Naturingan pa naman daw maka-Diyos Direk Paul at Toni hindi naisip ang mga biktima ng Martial Law
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2015 - 10:00am

Bina-bash ang mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga-Soriano dahil present sila sa declaration ni Sen. Bongbong Marcos na kakandidatong Vice President. Mas marami nga lang ang namba-bash kay direk Paul at sana raw, hindi nito isinama si Toni.

May mga nadismaya lalo na nang malamang si direk Paul ang gagawa ng TVC ni Sen. Bongbong at wish nila, hindi na sumama ang dalawa sa mga meeting ni Sen. Bongbong. May nag-advice rin kay direk Paul na mag-research at panoorin ang videos on Martial Law and the Marcos government.

May nakakaintindi naman sa mag-asawa dahil ninong nila sa kasal si Sen. Bongbong at siguro naman, hindi sila pinilit na suportahan ang kandidatura nito. Tama rin ang sabi ng mga nakakaintindi na kung ang mag-asawa ang nagdesisyon, sarili nilang desisyon ito. Pakiusap ng mga nagmamahal kina direk Paul at Toni na intindihin ang dalawa.

Jennylyn at Sam may naka-sked na gym date

May dapat bang ikabahala si Dennis Trillo sa narinig naming usapan nina Jennylyn Mercado at Sam Milby after ng premiere night ng The PreNup? By November kasi ay hindi na raw busy si Jennylyn at puwede na silang mag-date ni Sam.

Kaya lang, parang hindi romantic date ang mangyayari dahil ang narinig namin, Muay Thai, Jiu Jitsu at ibang martial arts ang kanilang date. Saang gym kaya sila magkikita?

Tama rin ba ang narinig namin na isa si Jennylyn sa mga isasakay ni Sam sa bago niyang car? Iba na ito at hindi na part ng promo ng Regal Entertainment movie na showing simula pa kahapon at kikiligin ang fans sa rami ng kilig moments ng dalawa sa feel good movie under Jun Lana.

Nalungkot lang si Sam dahil wala si Jennylyn sa concert niya, after ng taping ng My Faithful Husband, lilipad si Jennylyn for Netherlands and Amsterdam.

Samantala, isinama ni Jennylyn sa premiere night ng The PreNup ang anak na si Jazz at naaliw kami dahil ‘pag magkatabi sa eksena ang mom niya at si Sam, eksenang titigan at nagki-kiss, hindi tumi­tingin sa screen si Jazz. Minsan, ipinipikit nito ang mga mata at tinatakpan ang mga tenga para hindi marinig ang kilig at sigawan ng tao.

Nabanggit pala ni Jennyyn na next week ay pipirma na siya ng recording contract sa Ivory Music at tinapos lang ang recording contract sa GMA Records na tumagal ng one year.

Carla pinupuri-puri na si Marian

Pinalabas sa premiere night ng The PreNup ang trailer ng No Boyfriend Since Birth (NBSB) ng Regal Entertainment na tinatampukan nina Carla Abellana, Mike Tan, at Tom Rodriguez. Showing ang movie sa November 11 sa direction ni Joey Reyes at bawing-bawi sina Carla at Tom sa fans nilang matagal naghintay na muling mapanood sila together.

Kapansin-pansin na malusog si Carla sa NBSB dahil sa latest pictures niya sa Instagram (IG), kitang payat na ito. Sabi nito, “It took me more than three months of working out at least thrice a week, plus eating healthier bago po ako nag-start mag-lose ng weight.”

Magiging busy pala uli si Carla dahil malapit na niyang simulan ang primetime soap niya with Gabby Eigenmann and Rafael Rosell na as of today ay Madrasta ang title.

Also, ikinatuwa ng fans nina Carla at Marian Rivera ang pinost ng una sa IG na segment ng misis ni Dingdong Dantes na Judge MD sa Sunday PinaSaya at ang caption ay “Benta talaga sakin to.”

Elha gustong maging scientist at magtrabaho sa NASA

Nasa market na ang self-titled album ng The Voice Kids Season 2 under MCA Music sa pangunguna ng grand winner na si Elha Nympha. Tigda-dalawa ang songs nina Elha, Essang de Torres, Reynan Dal-Anay, Sassa Dagdag, at Kyle Echarri at pagalingan ang mga bagets pati sa mall show sa Fisher Mall after ng album launch.

Songs na pinanlaban ng anim sa semi-finals at finals ng The Voice Kids ang isinama sa album. Ang songs ni Elha ay You’ll Never Walk Alone at Ikaw Ang Lahat Sa Akin.

Hindi pa nakukuha ni Elha ang mga premyo at inaayos pa. Busy naman siya sa mga show at TV guesting, kaya minsan ay hindi na nakakapasok. Kundi magiging successful singer, gusto ni Elha maging scientist at mag-work sa NASA o kaya’y maging successful baker ng cake.

Ang hindi namin naitanong ay kung magre-release ng solo album si Elha Nympha gaya nina Lyca Gairanod, Darren Espanto, at Juan Karlos Labajo.

Panoorin ang The Voice Kids 2 sa Robinsons Roxas (October 16), Robinsons Lipa at Robinsons Tacloban (Oct. 17), Robinsons Antipolo at Robinsons Imus (Oct. 23) SM Sangandaan (Oct. 23) at SM Angono (Oct. 25) at SM Molino (Oct. 30).

ACIRC ANG BONGBONG CARLA ELHA ELHA NYMPHA HINDI JENNYLYN MGA NBSP REGAL ENTERTAINMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with