Twitter ni Maine Mendoza No.3 fastest-growing profile worldwide

MANILA, Philippines – Pumalo na sa dalawang milyon ang followers ni Maine “Yaya Dub” Mendoza sa microblogging site Twitter.

Sa bilis ng kaniyang pagsikat, ikatlo siya sa buong mundo na may pinakamabilis na pagdami ng followers, ayon sa by socialbakers.com.

Umabot na sa 1,094,813 followers ang nadagdag kay Maine sa loob lamang ng ilang buwan, kung saan sinusundan niya ang mga international stars na sina Taylor Swift at Katy Perry.

Dahil dito siya naman ang nangunguna sa Pilipinas, habang sumunod ang ka-love team na si Alden Richards  na nadagdagan ng 933 896 followers.

Ikatlo naman ang “Eat Bulaga” host at STAR columnist Joey de Leon, habang panlima ang isa pang “Dabarkads” si Paolo Ballesteros at pang-apat si Vice Ganda ng “It’s Showtime.”

Sa kabila nito ay nananatili pa ring may pinakamaraming followers sa Pilipinas si Anne Curtis na may 8 milyon at iba pang Kapamilya stars na sina Angel Locsin (6.8 milyon) at Vice Ganda (6.08 milyon).

 

Show comments