^

PSN Showbiz

Boy hindi nalungkot sa ginawang pang-iiwan ni Kris

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Naiintindihan ni Boy Abunda ang dahilan kung bakit kinakailangan ng partner niyang si Kris Aquino na iwan ang kanilang 15 minutong progra­mang Aquino & Abunda Tonight (A&AT) kung kaya walang kalungkutan niyang sinaksihan ang pormal na pamamaalam nito sa kanilang programa.

Isang linggong walang patid na nag-report sa A&AT si Kris. Bago ito, isang buwang ding absent si Kris sa show dahil binigyan nito ng prayoridad ang shooting ng Etiquette for Mistresses at ang taping ng regular niyang programa sa umaga na Kris TV.

Sa kabila nito hindi nakayanan ng kanyang katawan ang trabaho niya sa tatlong programa. Pinulot siya sa hospital at pinayuhang mag-easy easy kung gusto pa niyang magtagal ang kanyang buhay.

Malas namang ang A&AT ang napili niyang isakripis­yo, siguro dahil tiwala siyang nakakaya itong dalhing mag-isa ng kanyang ka-partner. Sa Lunes, permanente nang solo host ng programa si Boy na may bagong titulong Tonight With Boy Abunda.

Nakatapos na rin ng shooting niya si Kris ng Etiquette For Mistresses at hi­ni­hin­tay na lamang ang pagsisimula ng pagpapalabas nito pero, kailangang simulan naman niya ang isa pang pelikula na pang-MMFF 2015 naman, ito ang dating Mr. & Mrs. Split na pagsasamahan nila ni QC Mayor Herbert Bautista.

Pinapalitan din niya ang titulo nito ng Pamilyang Love Love Love at inanunsyong kasama na sa pelikula si Derek Ramsay. Inaasahang magkakaron pa ng pagbabago sa titulo ng pelikula at kung kilala natin si Kris ay baka hindi pa permanente ang cast ng pelikula. Ito siguro ang dapat abangan pa ng lahat. Marami pang pwedeng mangyari.

Megan pabebe raw masyado sa MariMar

Madalas nating napapanood sina Lauren at Megan Young na magkaaway at nagsasabunutan sa seryeng MariMar. Ngunit pagkatapos daw ng bawat take ay nag-aasaran at nagkukulitan ang magkapatid.

Kwento ni Megan, madalas daw siyang ginagaya ni Lauren at tinawag pa itong pabebe dahil sa pagiging demure at innocent sa pagganap niya kay Marimar.

Chiz at Heart, walang sakalan sa pagsasama

Simula nang ikinasal sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, marami na raw natuklasan ang aktres sa asawa.

Ikinuwento niya na napaka-organized at tutok sa bahay ni Chiz. Gustung-gusto raw nitong nag-aayos ng bahay,  gayundin naman ang ipagluto si Heart. At kung sa Beautiful Strangers ay madalas silang magkaaway ni Rocco Nacino na gumaganap bilang boyfriend niya, sila raw ni Chiz ay mas madalas pairalin ang pag-iintindi at pagmamahal.

Pero, pinakamagandang pag-uugali ng mag-asawa ay ang kalayaang ibini­bigay nila sa isa’t isa at sa pag-iinintindi sa kanilang mga trabaho. Malaya si Heart na gawin ang trabaho niya bilang artista at ganu’n din naman si Chiz bilang isang pulitiko. Hindi obligado si Heart na samahan si Chiz sa lahat ng lakad nito, maliban na lamang sa mga okasyon na kinakailangan ang presence niya bilang asawa.

Sa mga ganitong pagkakataon palaging may oras si Heart  sa asawa na pinapayagan naman ng GMA dahil alam nila ang prayoridad ng Kapuso actress.

ABUNDA TONIGHT

ACIRC

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BOY ABUNDA

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DEREK RAMSAY

ETIQUETTE FOR MISTRESSES

NBSP

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with