Kanselado ang concert sa Korea at China: Adam Levine gumagala sa ‘Pinas!

Sharon kailangan ng magaling na stylist

SEEN: From afar, kalokalike ni Arnold Clavio si Aiza Seguerra nang dumalo ito sa presscon ng Princess in the Palace.

SCENE: Ang unflattering look ni Sharon Cuneta sa pilot telecast ng Second Season ng Your Face Sounds Familiar. Kailangan ni Sharon ng mahusay na stylist.

SEEN: Kung hindi pa sa blind item ni Edgar Mortiz sa Facebook tungkol sa sikat na aktres na produkto ng Goin’ Bulilit na hindi siya binati sa 9th Star Magic Ball, hindi pa hihingi sa kanya ng paumanhin si Kathryn Bernardo.

SCENE: Spotted kahapon sa Manila Golf Club and Country Club ang Maroon 5 vocalist na si Adam Levine. Nakansela ang concert ng Maroon5 sa South Korea at China dahil sa neck muscle problems ni Levine.

SEEN: Dapat pagsabihan ng Uber management ang mga Uber driver na igalang ang privacy ng mga artista. Isang Uber driver ang nag-post sa social media ng litrato ng kanyang pasahero, si Iza Calzado.

SCENE: Word of mouth na maganda ang Heneral Luna kaya interesado ang ibang mga showbiz personality na panoorin ang first starring role ni John Arcilla.

SEEN: Ilulunsad ni Noel Ferrer sa Sabado, September 19, ang kanyang libro, ang Sisikat Din Ako, sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center. Ipinagdiriwang ni Ferrer ngayong 2015 ang silver anniversary niya sa showbiz.

Show comments