Baron Geisler naaksidente sa Pasig

MANILA, Philippines – Wasak ang kanang bahagi ng sasakyan ng aktor na si Baron Geiser matapos banggain ng trak sa lungsod ng Pasig, Martes ng madaling araw.

Sakay si Geisler ng kaniyang Toyota Fortuner nang banggain ng FUSO truck (RJA-151) habang lilipat siya ng kabilang lane sa kahabaan ng Imelda Avenue, Karangalan Village, Gate 3, Barangay Manggahan bandang 3:30 ng umaga.

Nakilala naman ang driver ng trak na si Exvedyl Bayo.

Ayon sa hepe ng Pasig police na si Jose Hidalgo Jr. hindi nakainom sina Geisler at Bayo.

Nauwi naman sa aregluhan ang insidente matapos dumiretso sa istasyon ng pulis ang dalawa.

Samantala, hindi naman ikinatuwa ni Geisler ang kabagalan ng pag-askyon sa insidente.

Inihayag niya sa kaniyang Instagram post ang nangyari kabilang ang sugat na tinamo ng kaniyang kasama.

Show comments