MMFF parang ‘di makakabuo ng Magic 8

Kailan ba talaga malalaman ang mga final entries ng MMFF 2015? Sa rami ng mga sinasabi na hindi matutuloy sa pagsali o balak mag-back out sa festival ay gustong malaman ng lahat kung aling pelikula ba ang bubuo ng Magic 8 para ngayon palang ay mapaghandaan na nila.

Aba, mahirap yatang ipunin ang pera na magagasta sa panonood ng kahit kalahati man lamang sa wa­long movies. Hindi lamang naman mag-isa ang manonood. Si­gu­ra­dong may mga kasama sila.

Enrique nagsisisi na sa kanyang mga kalokohan

Bakit ba hindi maganda ang reaksyon natin sa mga kinasasangkutan na isyu ni Enrique Gil, da­hil ba ayaw nilang magsalita tungkol sa tunay na nangyari?

Mahirap bang intindihin na  wala silang “k” na magsalita  dahil dawit lamang sila at hindi sila ang problema.

Ipinamahala nila kay Enrique ang pagsasalita na naganap nu’ng Biyer­nes para hindi lu­mala ang mga nang­yayari. Obvious naman na pinagsisisihan ni Enrique ang kasalanan niya.

Kita naman ito sa kanyang mukha. Hintayin na lang natin  ang sagot at reaksyon ng mga hiningan niya ng tawad.

Show comments