Heart tuturuang magpinta sa Hermes bag si Regine

MANILA, Philippines - Pitong buwan matapos ang kanilang fairytale wedding sa Balesin, kumusta na kaya ang Beautiful Strangers actress na si Heart Evangelista bilang isang misis? Ano na kaya ang mga pagbabagong nararanasan ng Philippine TV’s Sweetheart? ‘Yan ang mga chikang aalamin ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva ngayong Sabado (Setyembre 12) pagkatapos ng Maynila.

Makakasama ni Regine si Heart sa isang “shopping’s free” para mamili ng home décors para sa ipinapatayong bahay nila ni Sen. Chiz Escudero.

At kahit gaano na ka-blessed si Heart, hindi pa rin siya tumitigil sa pagiging hardworking? Ituturo niya kay Ate kung paano niya ginagawa ang hand-painted Hermes bags na nagsisilbi ring kumikitang-kabuhayan niya.

 Samantala sa Beautiful Strangers, nalaman na Kristine (Heart) ang ginawang pagtataksil ni Noel (Rocco Nacino). At si Joyce (Lovi Poe) pala ang babaeng karelasyon nito. Hindi niya patatawarin si Noel at itataboy sa ginawang panloloko sa kanya. Si Joyce kaya kayang patawarin ni Kristine?

Show comments