Direk Tonet aminadong may magic ang JaDine!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2015 - 10:00am

Hindi raw inakala ni Antoinette Jadaone na papatok sa mga manonood ang kauna-unahan niyang ginawang teleserye na On The Wings of Love. Noong una ay nakaramdam pa raw ng tensyon ang direktor kung tatangkilikin ang kanilang programa. “Sobrang para akong nabunutan ng tinik kasi bago ‘yung style eh. Kasi rom-com siya, eh sinabi sa akin na ang history ng third slot sa primetime it’s usually not very light. Usually it’s hardcore drama, ‘yung talagang epic, sexy. Kaya doon nanggagaling ang kaba namin,” bungad ni direk Tonet.

May kakaibang karisma raw talaga ang tambalan nina Nadine Lustre at James Reid at malaking tulong din na baguhan pa lamang ang dalawa sa Kapamilya network. “Feeling ko ‘yung love team talaga ‘yung unang-unang nagdadala. Kasi feeling ko kung ibang love team ‘yun hindi gano’n kalakas ‘yung magiging effect. Nakatulong na hindi sila nagti-TV, pelikula lang sila. So fresh face itong dalawang ito. Wala silang regular thing sa TV na parang aabangan mo. Ako kasi as a director kapag idini-direk ko sila kinikilig ako eh. Kapag nag-e-edit ako, kinikilig ako sa kanila. So pakiramdam ko meron talaga silang certain magic na nabibigay na sila lang ang nakakapagbigay,” paliwanag pa niya.

Joem pamilya ang pakiramdam ‘pag kasama sila Kathryn

Hindi man pangunahing bida sa teleserye ang ginagampanan ay masayang-masaya raw si Joem Bascon dahil hindi siya nawawalan ng proyekto sa Kapamilya network. Mahalaga ang karakter ng binata ngayon sa Pangako Sa ‘Yo bilang nakatatandang kapatid ni Yna Macaspac na karakter naman ng bidang si Kathryn Bernardo. “I’m happy, I’m very blessed and feeling overwhelmed with the blessing that the network is giving me. At least ‘di ba yearly hindi tayo nawawalan ng work. So I’m very happy and to be part of Pangako Sa ‘Yo is such an honor. Abangan n’yo kung ipagpapatuloy pa namin ni Madame Claudia ‘yung pagko-connive namin, kung papahirapan pa namin si Yna or madadala na ba ako ng pagkaawa kay Yna, kung magiging kuya na ba ako sa kanya talaga. Or pahihirapan ko pa ba buhay niya?” nakangiting pahayag ni Joem.

Isang malaking karangalan daw para sa aktor na makatrabaho ang Teen Queen sa isang magandang proyekto. “She’s nice. Si Kathryn sobrang tahimik lang ‘yun eh pero kapag nando’n na siya sa character niya iba na. Pero ‘pag nagkukwentuhan ‘yung buong set, we’re one big happy family,” pagbabahagi ni Joem.

Samantala, kasama rin ang binata sa pelikulang Heneral Luna na nagsimula nang ipalabas sa mga sinehan kahapon.

ACIRC ANG HENERAL LUNA JAMES REID JOEM JOEM BASCON KAPAMILYA KASI KATHRYN BERNARDO MADAME CLAUDIA PANGAKO SA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with