Nagpalipas ng ‘sakit’ Robin at Mariel nasa abroad na naman!, Matapos ratratin coffee shop ni Anthony Taberna kinatatakutang puntahan
(Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2015 - 10:00am

SEEN: Kinilig at napahalakhak si Coco Martin sa presscon ng Ang Probinsyano nang punahin ng mga reporter na kambal ang role niya sa kanyang bagong teleserye at kambal din ang papel ni Julia Montes sa Doble Kara.

SCENE: Natatakot nang pumunta ang mga kostumer sa coffee shop sa Visayas Avenue na pag-aari ni Anthony Taberna buhat nang pagbabarilin ito ng riding in tandem noong isang madaling araw.

SEEN: Nagbakasyon sa ibang bansa sina Robin Padilla at Mariel Padilla matapos malaglag ang triplets na ipinagbubuntis ng TV host. Hindi alam ni Kylie Padilla ang bansa na pinuntahan ng kanyang ama at stepmother.

SCENE: Opisyal na ipakikilala ng GMA 7 sa Lunes sa entertainment media ang mga contestant ng StarStruck VI.

SEEN: Inaksyunan agad ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang mga reklamo laban sa mga homeless na ginawang bahay ang Lacson/Intramuros underpass. Personal na pinuntahan at ipinalinis ni Erap ang Lacson underpass.

SCENE: Si Fernando Poe, Jr. ang itinuturing ni Coco Martin na superhero ng buhay nito. Dream role ni Coco ang Panday character na pinasikat ni FPJ.

ANG ANG PROBINSYANO ANTHONY TABERNA COCO MARTIN DOBLE KARA FERNANDO POE JOSEPH ESTRADA JULIA MONTES KYLIE PADILLA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with