Lovi nakahanda na sa kampanya ni Grace?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2015 - 10:00am

PIK: Impresed si Willie Revillame at mga taga-Wowowin kay Andrea Torres na special guest co-host niya bukas.

Kumukuha si Willie ng iba’t ibang guest co-host dahil kapag naging daily na siya, kailangan niya talaga ng guest co-host na mga Kapuso sexy babes.

Nababaitan pa ang mga taga-Wowowin kay Andrea dahil wala raw itong kaangal-angal kahit ano ang ipagawa sa kanya. Kaya isa siya sa pinagpipilian na maging co-host ni Willie kung sakali.

Sobrang sexy pa ni Andrea sa sexy production number nito.

PAK: Nagkabalikan na raw sina Arnell Ignacio at ang dating gay boyfriend niyang si Ken El Psalmer.

Nakausap namin si Arnell nung kamakalawa ng gabi na nagbabantay kay Ken na may gig sa isang comedy bar sa Makati.           

Sabi ni Arnell, hindi naman daw sila nagkabalikan bilang magkarelasyon. Ang friendship daw muna ang nabalik at tinutulungan daw niya ang career nito.

Ayon kay Arnell, may isang tao raw ang sumisira sa kanilang dalawa kaya nagkahiwalay sila.

Nagpapadala pa raw si Arnel ng pera para kay Ken na idinadaan sa taong iyun, hindi naman daw pala nakakarating kay Ken.

Kaya gusto pa munang ayusin ni Arnel ang atraso ng taong iyun.

BOOM: May sariling selebrasyon din si Lovi Poe sa 76th birthday ng namayapa niyang amang si Fernando Poe, Jr.

Nagkaroon siya ng konting salu-salo kasama ang mga street children na inaalagaan ng Childhope Asia Philippines, Inc. sa Paco, Manila.

Anim na taon na itong ginagawa ni Lovi kung saan nagpapakain at tinuturuan nila ang mga street children na inaalagaan ng naturang foundation.

Nagkataon lang na sa mismong kaarawan ng namayapa niyang ama nagkaroon ng available na schedule para isagawa ang naturang outreach program.           

Nagpahayag na rin si Lovi ng suporta sa kanyang Ate Grace Poe sa kung ano man daw ang plano nito sa 2016.

“I’m just a call away. I’m just here to support her,” pakli ng Kapuso actress.

Ipinagkibit-balikat na rin ni Lovi ang isyung ibinabato sa Ate Grace niya tungkol sa pagiging ampon at citizenship nito.

Sabi lang ni Lovi; “She’s a very strong woman, and I’m praying for her.

“Hindi naman isyu sa akin ‘yun. Kung sino ang nagpalaki sa ‘yo, siya ang magulang mo,” pahayag ni Lovi Poe na bida ng Beautiful Strangers.

ACIRC ANDREA ANDREA TORRES ANG ARNEL ARNELL ARNELL IGNACIO LOVI LOVI POE NBSP STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with