Dennis binibitin pa rin ni Julia

Hanggang ngayon ay nabitin pa rin ang actor na si Dennis Padilla sa magiging dedisyon ng anak niyang si Julia Barretto kung tuluyan nitong ibaba­sura ang pagpapalit ng kanyang apelyido mula Baldivia (real family name ni Dennis) to Barretto, her mom’s (Marjorie) maiden name.

Bago ang 18th birthday ni Julia ay nagpahayag ang young star na hindi na niya babaguhin ang kanyang family name na ikinatuwa ni Dennis pero wala pa ring move ang dalaga na ibasura ang kanyang naunang petisyon.

As far as we know, ang mag-inang Mar­­jorie at Julia ay nakikipagkita pa rin sa kanilang lady lawyer na si Atty. Lorna Ka­punan pero hindi klaro kung ito’y may kinalaman sa pag-drop ng petition ni Julia.

Ruffa hindi pa rin pinagkakatiwalaan sa lalaki

Sa kabila ng away-bati ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez, hindi ito pini-personal ng ina nina Lorin at Ve­nice Bektas dahil sobra lamang over-protective ng una.

Although nasasakal na rin, na­­­uunawaan ni Ruffa ang dam­da­min ng kanyang ina dahil para rin naman ito sa sarili niyang ka­­­­pa­kanan. Ang problema nga la­mang ay ayaw umano siyang bigyan ng chance ng kanyang ina na magdesisyon para sa kanyang sarili lalo na sa usaping pag-ibig dahil marami na rin siyang pinagdaanan sa aspetong ito. Dumaan na rin si Ruffa sa ilang failed relationships in the past at kasama na rito ang paghihiwalay nila ng kanyang mister, ang Tur­kish businessman na si Yilmaz Bektas, ama ng kanyang dalawang anak.

Samantala, masaya ang pamilya Gutierrez dahil mataas ang ratings ng kanilang family reality show na It Takes Gutz to be A Gutierrez on E! Channel (Asia) now on its 3rd season.

Shaina walang reklamo, nganga sa Mhin

Magkababayan sina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli, mga pa­ngunahing bituin ng first original cable TV series na pinamagatang Single/Single na produced ng Star TV ng The Philippine Star at mapapanood sa Cinema One simula ngayong August 29, araw ng Sabado sa ganap na ika-8 ng gabi.

First time nina Shaina at Matteo na magtambal sa isang TV series at natu­tuwa ang dalawa dahil bukod sa sila’y magkababayan, marami pa rin silang nadiskubre sa isa’t isa.

Certified single si Shaina ngayon magmula nang sila’y mag-break ni John Lloyd Cruz na boyfriend na ngayon ni Angelica Panganiban samantalang si Matteo ay alam naman ng lahat na happily in love ngayon sa Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Pero sa kabila ng pagiging single ngayon ni Shaina ay masaya siya dahil may oras na siya para sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya, at maging sa mga kaibigan.

Aminado rin ang nakababatang kapatid ni Vina Morales na iba umano siya kung umibig dahil nakabuhos ang kanyang attention sa taong minamahal niya.

“I am a selfless lover,” pag-amin niya.

Although she goes out with friends, wala umano siyang particular na special male friend ngayon. Naniniwala si Shaina na may darating ding “Mr. Right Guy” sa kanya in God’s perfect time pero hindi umano siya naghahanap.

Tatlong programa ang sabay-sabay na pinagkakaabalahan ngayon ni Shaina. Ang kanyang daily primetime drama series na Nathaniel kung saan niya katambal si Gerald Anderson, ang ASAP tuwing weekends at ang magsisimulang Single-Single.

“Magrereklamo pa ba ako sa maraming blessings na patuloy na dumarating sa akin?” natatawa niyang pahayag.

Show comments