Presidentiables, hihimayin ng mga political analyst

MANILA, Philippines - Haharap ang mga kilalang political analysts sa The Bottomline with Boy Abunda ngayong Sa­ba­do (August 15) upang talakayin ang maiinit na is­yung kinakaharap ng mga presidentiables. Hihima­yin nina Dr.Jayeel S. Cornelio, isang sociologist at direc­tor ng Development Studies Program sa Ate­neo de Manila University, Richard Heydarian, isang in­ternational columnist, author at professor ng De La Salle University, Eric De Torres, chairman ng De­partment of Political Science and Legal Management sa University of the East at Leloy Claudio, post-doctoral researcher ng Center for Southeast Asian Studies sa Kyoto University ang mga kandidato sa pagkapangulo. Kung ngayon isasagawa ang election, sino ang iboboto nila? Gaano kahalaga ang ima­he para sa kanila? Ano ang mga hamon na ka­kaharapin ng ating bansa?

Show comments