Pokwang nakunan!

MANILA, Philippines – Nakunan ang komedyanteng si Pokwang sa anak sana nila ni Lee O’Brien.

Sa panayam ni O’Brien kahapon sa “Celebrity Aksyon,” dalawang linggo na ang nakararaan mula nang makunan si Pokwang.

Ito pala ang cryptic message na i-pinost ni Pokwang sa kaniyang Instagram account.

Sinabi ni O’Brien na kailangan na lamang nilang tanggapin ang pangyayari na sa tingin niya ay hindi pa nakatakdan magkaroon sila ng anak.

“You just have to accept that it hasn’t happened yet,” he said. “It wasn’t timed and it’s something that you definitely have to cope with, deal with. But at the same time it’s not something to stop your life over.”

Nagkatuluyan sina Pokwang at O’Brien matapos gawin ang pelikulang “Edsa Woolworth” na unang ipinalabas sa Amerika.

Nasa bansa si O’Brien dahil sa kaniyang TV series sa TV5 na “Kano Loves Pinay” na magsisimula sa Setyembre.

 

Show comments