Paulo Avelino ‘di dapat makasanayan ang ‘plastik’ na ngiti: Pamilya at kaibigan ni Elizabeth Ramsey humihingi pa rin ng dasal
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2015 - 10:00am

SEEN: Ang Thanksgiving party ng The Rich Man’s Daughter cast sa Sampaguita Events Place noong Bi­yernes. Kasabay ng cast party ang finale telecast ng The Rich Man’s Daughter na hindi na-duplicate ang success ng My Husband’s Lover.

SCENE: Hinangaan si TV5 Chairman Manny V. Pa­ngilinan dahil sa paghingi niya ng paumanhin nang hindi makuha ng Pilipinas ang karapatan na maging host country ng 2019 FIBA Basketball World Cup. “It was disappointing but we have to take it. I’m sorry that we fell short for what we wanted for the Philippines,” ang pahayag ni MVP sa isang panayam sa kanya sa Tokyo, Japan.

SEEN: Dasal para sa kalagayan ni Elizabeth Ramsey na nagkaroon ng stroke noong Huwebes ang hiling ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Naka-confine sa ICU ng isang ospital ang 83-year old singer/comedienne.

SCENE: Ang plano na gawin ang special screening ng television remake ng Ang Probin­syano sa 76th birth anniversary ni Fernando Poe, Jr. Si Coco Martin ang bida sa television version ng blockbuster movie ni FPJ na mapapanood sa ABS-CBN.

SEEN: Ang Thanksgiving party ng Let The Love Begin cast sa isang Timog restaurant noong Biyernes. Kontrobersyal ang restaurant dahil isa ito sa mga pag-aari ng PDAF Scam Queen na si Janet Napoles.

SCENE: Ang Thanksgiving at after party ng Bridges of Love cast and production crew sa isang Quezon City restaurant noong Biyernes.

SEEN: Ang signature scoff look ni Paulo Avelino sa mga photo op na hindi niya dapat makasanayan.

ACIRC ANG ANG PROBIN ANG THANKSGIVING BASKETBALL WORLD CUP BIYERNES BRIDGES OF LOVE COCO MARTIN ELIZABETH RAMSEY RICH MAN STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with