^

PSN Showbiz

Matteo nilinaw ang laplapan nila ni Sarah

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Itinuwid ni Matteo Guidicelli ang halikang naganap sa kanila ng nobyang si Sarah Geronimo nang magkita sila sa Cebu matapos ang triathlon event na sinalihan niya.

Bagama’t nahirapan siya sa event, ito naman daw ang pinaka-best na pagtatapos niya sa triathlon.

Pero itinanggi niya na lips to lips ang halikan nila dahil sa pisngi lamang ni Sarah dumantay ang kanyang labi.

Sa kabila ng pagod na naramdaman niya ay umagaw ang katuwaan dahil tinupad ni Sarah ang pangako na dadalo at susuporta­han ang kanyang sports event. Isang malaking patunay ang pag-PDA dahil sa paghalik ni Sarah sa kanya na nagma-mature na sila kaya at kaya nang pangatawanan ang kanilang relasyon.

Maski sa kanyang karera ay malaki na rin ang improvement ni Matteo. Unti-unti na n­iyang napapatunayan kay Sarah na kaya niyang dalhin at iangat ang kanyang sarili nang hindi niya ginagamit ang pangalan ng nobya. Meron siyang natapos na mini-series katambal si Shaina Magdayao na pinamagatang Single Single. Idinirek ito ng magaling na indie film director na si Pepe Diokno at nakatakdang mapanood simula sa Sabado, Agosto 29 at sa mga susunod na Sabado, 8:00 NG sa Cinema One.

First time nakasama sa trabaho ni Shaina si Matteo, pero wala namang naganap na anumang aberya kaya nakakapitong episode na silang natatapos. Kasama rin nila sa serye si Cherie Gil.

Samantala, nagtataka si Shaina kung bakit ginagawan ng isyu ang naging pagsasama nila ni John Lloyd Cruz sa seryeng Nathaniel at ito ay sinabi niya sa isang interview ni Boy Abunda.

“Bago pa sa Nathaniel ay nagkikita na kami’t nagha-hi dahil maliit lamang naman ang ABS-CBN para hindi kami magkita. Maski sa Star Magic events ay andun din kami, pero parang nakakagulat ang reaskyon ng mga tao na parang big deal ang magkatrabaho kaming muli,” sabi ng aktres na umaming single pa rin siya at ayaw niyang mag-focus sa kanyang lovelife kundi sa kanyang trabaho lamang.

Kamille hindi maganda ang pagpapakatotoo

Napakapikon naman pala ni Kamille Filoteo ng PBB (Pinoy Big Brother) 737. Apektado ito sa pagiging nominado sa kanila ni Kenzo Gutierrez para lumabas ng Bahay ni Kuya at hindi mapabilang sa Top 4 nina Bailey May at Ylona Garcia. She should have understood na between her and them, mas pipiliin ng dalawa na sila ang mapabilang sa Top 4 at kahit hirap ang dalawa at naiiyak na lamang sa ginawang pag-utos sa kanila ni Big Brother na pumili ng dalawang housemate na gusto nilang palabasin ng PBB house.

Of course, pahimakas lamang ito dahil ang manonood pa rin ang pipili ng mga housemate na mananatili sa loob. Ang nakatutuwa, matapos magdesisyon ng dalawang imported na housemate ay nag-decide din si Kuya na ibalik sila sa loob ng bahay niya kung saan ay nakita kung gaano kapikon si Kamille sa ginawang desisyon ng dalawa.

Namalas tuloy sa lahat ng manonood ang hindi kagandahang pag-uugali ng batang ina. Palagi n­iyang sinasabi na nagpapakatotoo lamang siya, pero hindi maganda ‘yung katotohanan na ipinamalas niya.

Mabuti pa si Kenzo at tanggap ang choices ng dalawang pinakabatang housemates. Baka ‘yun pa ang maging dahilan para mapabilang siya sa Top 4.

Dalaga nina Charlene at Aga ayaw na sa showbiz

Nakalimutan na ba ni Atasha Muhlach ang unang nakahiligan niyang showbiz? Balitang nakasentro ngayon ang atensyon ng 13 taong gulang sa pagpi­pinta na labis na ikinatutuwa ng kanyang mga magulang. Wala nga naman silang masyadong magiging problema kung sa halip na pag-aartista ay sa pagiging pintor mauwi ang anak nilang babae.

Lumalabas na ito sa mga stage musical tulad ng The Sound of Music nang magkaro’n ito ng panibagong interes at nauwi sa pagpipinta. Hindi pang-amateur ‘yung ipinost ng kanyang inang si Charlene Gonzales sa kanyang Instagram account na painting ni Atasha. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ng kakambal nitong si Andres?

Puwesto sa pamahalaan ‘patayan’ na ang labanan

Mas dadami ang gugustuhing maging pangulo ng bansa ngayong may panukalang itaas ang sahod nito mula sa P120-K sa P1-M. Kung sa pagi­ging kapitan ng barangay na hindi kalakihan ang suweldo ay may mga nagpapatayan na, ano pa kaya sa pagka-pangulo?

Baka sa layuning ito ni Sen. Antonio Trillanes ay mabawasan na rin ang masasamang gawa ng marami nating opisyal at manggagawa sa gobyerno na gusto rin niyang mapataasan ang suweldo.

ACIRC

ANG

ANTONIO TRILLANES

ATASHA MUHLACH

BAILEY MAY

BIG BROTHER

HINDI

ITO

KANYANG

NBSP

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with