^

PSN Showbiz

Nadine parang hindi baguhang umarte!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa pamamagitan ng bagong teleseryeng On the Wings of Love na pinagbibidahan ng mainit na tambalan nina James Reid at Nadine Lustre na magsisimulang mapanood sa ere ngayong Lunes, August 10 sa Kapamilya Network, tiyak na lalong magiging solido ang tambalan ng dalawa na unang sinugalan ng Viva Films sa pamamagitan ng hit mo­vie na Diary ng Panget na sinundan ng Talk Back and You’re Dead at Para sa Hopeless Romantic na tinampukan din ng loveteam nina Julia Barretto at Iñigo Pascual.

Napanood namin ang special press preview ng On the Wings of Love sa Cinema 7 ng Trinoma last Monday evening at natitiyak namin na isa na naman itong hit in the ma­king tulad ng ibang obra ng Dreamscape Entertainment Television na pinamumunuan ni Deo Endrinal.

Maganda ang istorya ng OTWOL at tiyak na kapupulutan ng aral at puwedeng maging inspirasyon ng mga manonood dahil relatable ang kuwento nito.

Napaka-glossy ng dating ng OTWOL at napakaganda ng pagkakadirek nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin na ang maraming eksena ay kinunan pa sa San Francisco, California.

For a newbie, magaling si Nadine umar­­te at naging revelation sa amin sina Bianca Manalo at Albie Casiño na parehong mahusay rito at hindi naman ma­ta­tawaran ang galing ng thes­pians na sina Joel Torre at Cherry Pie Picache.

Kasama rin sa cast ng On The Wings of Love sina Nanette Inventor, Nico An­tonio, Nhikzy Calma, Andrei Garcia, Laiza Comia at kung saan naman ay may special participation sina Isay Alvarez at Katya Santos.

Asawa ni Bobot na si Millet parang si Sandy ang naging sakit

Last Sunday evening ay nakita naming nag-dinner sa Toki Japanese Restaurant sa Bonifacio Global City ang mag-asawang Edgar “Bobot” Mortiz at Millet Santos-Mortiz kasama ang kanilang mga anak at mga apo.

Nalaman namin kay Millet na tulad ni Sandy Andolong ay sumailalim din pala siya ng kidney transplant noong isang taon.

Sina Bobot (Edgar) at Millet ay 38 years nang kasal since 1977 at meron silang apat na anak – sina Fras­co, Badjie, Ma. Carmela Catalin, at Ma. Frances Camille.

During his prime, naging bahagi rin si Bobot ng isang successful loveteam, ang tambalan nila ni Vilma Santos na Vi and Bot na siyang archrival noon ng Guy & Pip loveteam nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

Parehong hindi nakatuluyan nina Bobot and Pip (Tirso Cruz III) sa tunay na buhay ang kanilang res­pective na ka-loveteam na sina Vi at Guy. Si Bobot ay ikinasal kay Millet Santos, ang nakababatang kapa­tid ng President - CEO ng ABS-CBN na si Charo San­tos-Concio at si Vi naman ay unang ikinasal kay Edu Manzano at pangalawa sa mister niya ngayong si Sen. Ralph Recto. Si Pip naman ay ikinasal sa da­ting modelong si Lyn Ynchausti habang si Guy ay napa­ngasawa si Christopher “Boyet” de Leon kung kanino siya matagal nang hiwalay. Si Guy ay nanatiling single hanggang ngayon although kasa-kasama nito ang kanyang longtime partner na si John Rendez.

Bukod sa pagiging singer-actor, nag-evolve si Bobot bilang isang director kung saan ngayon nakatutok ang kanyang attention.

Sumunod naman sa mga yapak ni Boboy bilang director ang dalawa sa kanyang apat na anak na sina Frasco at Badjie who doubles up bilang isang comedian.

ACIRC

ALBIE CASI

ANDREI GARCIA

ANG

ANTOINETTE JADAONE

ATILDE

BADJIE

BOBOT

SHY

SINA

TIRSO CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with