KC in love na sa French guy, nababanggit na finally ang pangalan ni Piolo
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - August 3, 2015 - 10:00am

Makikipagsapalaran na naman pala sa pag-ibig si KC Concepion. Inamin niya sa KrisTV na mayroon siyang bagong idini-date na isang European guy na naka-base sa Middle East. Bagaman at hindi pa sila exclusively dating dahil getting to know each other pa, wish ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na mas lumalim pa ang relasyon nila kaya ayaw niyang mapag-usapan muna dahil baka raw mabantilawan ang nagsisimula at gumagandang relationship nila.

It’s nice to know na talagang naka-move-on na si KC kay Piolo Pascual. Nagagawa na niyang mapag-usapan ang naging relasyon nila at mabanggit ang pangalan na walang bitterness.

‘Yun ang dulot ng inaalagaan niyang bagong relas­yon na inaasahan niyang magagawa niyang pribado dahil hindi ito artista at wala sa bansa.

Mutya ng Laguna at ng DoHa, Qatar

wagi sa Mutya ng Pilipinas

Taga-Laguna at isang mula sa Doha, Qatar ang mga nanalo sa dalawang major title sa Mutya ng Pilipinas. Ito si Leren Mae Bautista - Mutya ng Pili­pinas-Asia Pacific International at si Janela Joy Cuaton - Mutya ng Pilipinas -Tourism International.

Sa ganda ng mga kandidata na nagmula sa iba’t ibang mga bansa tulad ng Australia, Arizona, at California, USA, marami ang nag-alala na baka tuluyan na nilang masapawan ang mga local candidates. Pero in fairness sa mga local na nakapasok sa pa­geant, nanalo pa rin ang isang taga-Laguna.

I’m sure lahat ng mga kandidata na ga­ling aboad ay may dugong Pilipino at lumaking alam ang kulturang Pilipino.

Perfect ang hosting ng magkakapatid na Gutierrez (Ruffa, Raymond, at Richard). Bagay na bagay sila sa pageant with their good looks at kagalingang magsalita at mag-host ng isang affair ng Mutya ng Pilipinas.

Napansin ko lang, maliliit ang prem­yo na nakukuha ng mga winner sa beauty contests kumpara sa mga nananalo sa mga reality search na ina­abot ng milyun-milyong piso at may lupa’t bahay at kotse pa.

Louise hindi na inaalagaan ang katawan, ayaw na yatang maging bida

Kailangan sigurong magbawas din ng timbang ni Louise delos Reyes kundi baka hindi na niya mabalikan ang paggawa ng mga leading role at mamalagi na lang sa support cast. Marami ang nakapansin na malaki ang idinagdag ng timbang niya kumpara nung gumaganap siya ng role ng isang sirena sa Kambal Sirena. O baka dahil ba ito sa kampante na siya na mayroon na siyang lovelife at nakapundar na rin ng kabuhayan?

Napakaraming kumpetisyon meron siya sa Kapuso Network at kailangan lamang na muli niyang ipakita na kaya niyang makipagsabayan sa kanila hindi lamang sa galing sa pag-arte kundi lalo na sa pagandahan.

May premyo kahit hindi manalo...

Maganda ang naging portion ng Song Tanong ng Wowowin noong Linggo na sinasabing last episode na ng show sa slot na ‘yun dahil sa August 9 ay pre-prog­ramming na ito ng Sunday Pi­na­Saya, ang bagong Sunday noontime show ng GMA starring AiAi delas Alas, Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Alden Richards, Valeen Montenegro, at kung saan ang mga naging kalahok ay pawang mga kumakanta.

Ang maganda sa pakontes na ito, hindi pa man sila kuma­kanta ay meron na agad silang P5,000. Hindi na masakit matalo man sila.

Dingdong handa nang makatsikahan si Nora

Yes, makakatrabaho ni Dingdong Dantes ang Superstar na si Nora Aunor sa teleserye niyang Pari Ko’y sa GMA. Matagal nang dream ito ng Kapuso actor kaya he feels honored na makatrabaho ang isa sa pinakamagaling na artistang babae ng bansa. He looks forward na makasama ito’t makausap.

Magsisilbing last guest ng serye si Nora na magsisimula pa lamang mag-taping para sa seyre bukas.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG ASIA PACIFIC INTERNATIONAL HINDI MGA MUTYA NBSP NIYANG PILIPINAS SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with