Zsa Zsa mas gumanda nang makipag-live in
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - July 27, 2015 - 10:00am

Sa guesting ng mag-inang Zsa Zsa Padilla at Karylle nung Linggo sa prog­ramang Gandang Ga­bi Vice at saka ko pa lang napagtanto na talagang mas pinaganda pa ng pag-ibig ang Divine Diva. Ang ganda niya nung gabing ‘yun at napakahusay pang kumanta gaya ng pinatunayan niya sa pagkantang muli ng ilan sa hits niya mga 20-30 years ago tulad ng Hiram, Kahit Na, at Mambobola. Hindi ako magtaka kung bakit naakit sa kanya ang arkitektong boyfriend na si Conrad Onglao. Zsa Zsa has never looked more beautiful, happy, and peaceful.

Si Karylle rin naman ay hindi nagpahuli sa ganda ng kanyang ina. Talagang nag-effort ito para hindi mapag-iwanan ng ganda ng walang kupas niyang ina. At pareho sila ng boses huh! Magagamit niya ng maganda kung ire-revive ni Karylle ang maraming magandang kanta ng ina.

Inamin din ni Zsa Zsa na tutol siya nung una sa relasyon ni Karylle sa miyembro ng Sponge Cola na si Yael Yuson. Natakot siya na baka maging malungkot ang buhay ni Karylle sa piling ng isang nagbabanda na kilala sa pagiging habulin ng mga babae. Binigyan niya ng pagkakataon ang dala­wa na patunayan ang kanilang relasyon at masaya siya na makitang masaya naman sa kanilang pagiging mag-asawa ang dalawa.

May concert si Zsa Zsa sa July 31 sa Resorts World Manila na pinamagatang Beginnings. Guest niya ang kanyang anak na si Karylle at si Martin Nievera.

Alden at Julie Anne pinandidirihan ang isa’t isa

Marahil hindi tutol ang mga tagahanga at tagasubaybay ni Alden Richards sa pagpapareha sa kanila ng bagong komikera ng Eat Bulaga na si Yaya Dub. Kung meron kasi silang pagtutol dapat ay nung nagsisimula pa lamang nang sila’y pagtambalin. Nga­yong humahakot na ng followers ang dalawa at tiniti­lian na ay wala nang magagawa ang mga may ayaw sa kanilang tambalan. Nakuha na ng baguhang Dabarkads ang loob ng televiewers. At mukha namang wala rin tutol ang Kapuso actor dahil wala namang pag-alma mula sa kanya.

Katunayan, para ngang enjoy siya na may bago siyang ka­tambal na hindi magiging maintriga tulad ng pagli-link sa kanya tulad ni Julie Anne San Jose. Kahit na si Marian Rivera pa ang nag-i-instigate ng kanilang batian, dedma pa rin ang dalawa sa isa’t isa.

Mukhang malayo pa bago makalimutan ng dalawa ang hindi nila magandang pinagdaanan. Obvious sa lahat ng nakasaksi na kahit pinaghawak kamay pa sila ni Marian ay agad silang nagbitiw at kunwa’y nakipag-usap na sa iba si Julie Anne sa Grand Fans Day ng GMA na ginanap sa MOA Arena nung Linggo ng hapon.

Literally ay dinumog ng fans ang event na talaga namang pinaghandaan ng GMA at sinuportahan ng lahat ng mga bossing ng network. Hindi lamang nakita, nakahalubilo at nakausap pa ng fans ang lahat ng Kapuso artists. Nabigyan rin sila ng pagkaka­taon na makapag-uwi ng malala­king ha­la­ga sa raffle na ginanap at mga palaro na isinagawa. May mga cellphones din na ipi­namahagi at maraming GMA pro­ducts and souvenirs ang ipinamigay.

Buhay na buhay ang audience na halos alas-7:00 na ng gabi nang kami ay umalis, hindi pa natatapos ang programa. Masu­werte ang istasyon na makuha si AiAi delas Alas dahil ito ang nagpatawa at nagpasaya sa maraming manonood na dumalo sa nasabing selebrasyon.

First time rin mamalas ng fans ang anak ni AiAi na si Sancho Vito na isa nang Kapuso at ang bagung-bago at kalilipat lamang mula TV5 na si Valeen Montenegro na makakasama sa kapalit ng Sunday All Stars na Sunday PinaSaya.

Kristoffer at Joyce hindi pa pinagsasawaan

Sa rami ng mga nagtatapos na programa ng GMA ngayon, suwerte na nakaka-survive ang Healing Hearts nina Kristoffer Martin, Joyce Ching, at Krystal Reyes. Mukhang kinikilig pa at nai-excite ang manonood sa takbo ng istorya nga­yon na magkasama na ang mga character nina Kris­toffer at Joyce at naisahan na nila sina Krystal at Angelika dela Cruz.

ACIRC ANG HINDI JULIE ANNE KAPUSO KARYLLE MGA NBSP SHY ZSA ZSA ZSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with