^

PSN Showbiz

Charo Santos ‘pinatay’ sa social media

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinatay kahapon sa Twitter ang malusog at buhay na buhay na si ABS-CBN President Ms. Charo Santos.

Siya ang karagdagang biktima sa mga tsinutsugi sa social media.

Wala silang pinipili. Hindi nagawang irespeto si Ms. Charo.

Nag-umpisa ang tweet sa isang nagngangalang Gerry. Ang sabi nito sa tweet: nakapasok daw siya sa PBB (Pinoy Big Brother) kahit wala siyang talent, ang bobo raw ng ABS-CBN. Tapos nilagyan niya ng hashtag na RIP Charo Santos.

Pero nasa PBB nga ba siya?

So ni-retweet at ginamit na rin ng ibang Twitter users without checking kung ano ang pinagmulan ng issue.

Kaya no. 6 kahapon ang RIP Charo Santos dahil ang dami na agad ang nagtatanong.

Kaloka rin ang ibang netizens.

Heart at Dawn wagi sa SONA

Wagi na naman ang isi­nuot na gown nina Mrs. Heart Evange­lista-Escudero at Mrs. Dawn Zulueta-Lagdameo sa ginanap na SONA kahapon.

Kapwa white terno ang suot nila at nilagyan ng style sa sleeves. Si Inno Sotto ang tumahi ng gown ni Heart.

For three years pala, parating white terno ang suot ng Kapuso actress sa SONA. Pero ngayon lang siya nag-attend bilang Mrs. Escudero.

Si Dawn ay white terno rin with a twist na gawa ni Carry Santiago.

Maging si Sen. Grace Poe ay white terno rin na simple pero elegante. Balitang gawa ito ni Paul Cabral.

Maganda rin ‘yung suot ni Jinkee Pacquiao pero may mga pumintas pa rin. Pang-mahaba raw na legs ang ganung gown na gawa ni Francis Libiran.

Wala naman masyadong nag-upload ng photos ni Congw. Lucy Torres. Pero kahit nakaupo sa picture, kita ang ganda ng kasimplehan ng gown niya.

Maganda rin ang damit ni Kris Aquino pero hindi masyadong pansinin ang kulay.

Dumalo naman si Dingdong Dantes na mag-isa. Sa kabila nang pagtanggi nito na kakandidato sa 2016 elections, naniniwala ang ilang source, na tatakbo ito para may pambato ang administrasyong bata at galing sa showbiz bilang senador.

Maging ang mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez ay dumalo rin. Naka-black terno si Regine na kitang-kita ang cleavage.

Mga radio reporter ang bilis hingalin

Kailangan sigurong mag-exercise o mag-gym ang mga radio reporter para naman hindi sila hinihingal sa tuwing magre-report na kailangan nilang tumakbo.

Kahapon sa coverage nila sa SONA, parehong super hingal ang mga reporter ng DZMM at DZBB na na-assign na mag-cover sa mga nagprotesta na nakipagbatuhan sa mga pulis na nakabantay para hindi makalapit sa Batasang Pambansa kung saan ginanap ang SONA.

Actually hindi lang sa coverage ng SONA sila hinihingal. ‘Yung sa coverage ni Pope Francis may ilang reporter din hingal-kabayo ‘pag tumatakbo na.

Kaya para ‘di madaling mapagod, try nilang mag-exercise.

Angeline hindi naniniwalang seseryosohin siya ni Erik

Hindi pa kumbinsido si Angeline Quinto na seryoso sa kanya si Erik Santos.

Ito ay kahit pumupunta naman daw sa dressing room niya every Sunday ang singer at dumadalaw sa bahay nila. Pero nasa estado na raw sila na sobrang click.

Saka inaalala raw niya ang kanyang nanay, sabi ni Angeline sa interview ni Kris Aquino sa Kris TV.

Pero maagap naman ang sagot ni Erik na oo na lang ang kulang sa kanila para maging sila na nga.

May concert ang dalawa sa Araneta Coliseum kaya madalas silang magkasama.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELINE QUINTO

ARANETA COLISEUM

BATASANG PAMBANSA

CARRY SANTIAGO

CHARO SANTOS

DINGDONG DANTES

KRIS AQUINO

PERO

RIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with