^

PSN Showbiz

Alessandra gumanti sa asawa!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Hulyo 25) sa Magpakailanman, isang masalimuot na kuwento ng pag-ibig na pagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Geoff Eigenmann bilang mag-asawa na ibinahay ang kani-kanilang kabit sa iisang bubong.

Bago mangibang–bansa ay nangako si George na pagbalik ay tutuparin ang pangako na isang kasal sa kinakasama niyang si Monica. Ngunit matapos ang dalawang taon sa Saudi Arabia ay muling magkasama sina George at Monica, bubulabugin sila ng isang katotohanang hindi nila matatakasan. Matatagpuan nila sa pintuan ng kanilang bahay si Heidi, ang naging babae ni George sa Saudi, dala ang isang sanggol na sinasabi nitong anak ni George.

Hihingi ito ng tulong kay George para may matuluyan matapos itong itakwil ng magulang dahil hindi maipakilala ang ama ng kanyang anak. Suklam na suklam man kay George at sa babae nito, papatuluyin pa rin ni Monica si Heidi, sa hiling ni George at awa na rin sa sanggol.

Pero ang isa, dalawang araw na pakikituloy ay umabot ng ilang buwan. Ang dalawang babae, ibinahay na ni George sa iisang bubong. Halos araw-araw na parinigan at bungangaan ang naging kabayaran. Dahil dito, paghihiganti ang isusukli ni Monica sa pagkakamali ng kinakasama.

Nang makilala ni Monica si Rolly, inuwi niya rin ito sa bahay nila ni George at doon rin ito nanirahan. Dahil sa pagmamahal ay pumayag si Rolly sa pakikisama kay Monica at hindi matanggap ni George ang karma ng kanyang pagtataksil. Hirap naman si Heidi sa muling pagpapa-ibig kay George kaya ramdam ni Monica ang tagumpay ng paghihiganti.

Sa pagsasama-sama sa iisang bubong, ano na ang sasapitin nitong apat na sabit-sabit, kabit-kabit, mga pusong malupit? Sino ang magwawagi sa laban at sino ang uuwing luhaan?

Mula sa direksyon ni Argel Joseph, alamin ngayong Sabado kung paano mananaig ang tama at magwawagi ang tunay na pag-ibig sa Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.

vuukle comment

ANG

ANG TUNAY

ARGEL JOSEPH

DAHIL

GEOFF EIGENMANN

GEORGE

HEIDI

MAGPAKAILANMAN

MONICA

NGAYONG SABADO

PEPITO MANALOTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with