Di man lang nag-effort na mag-iba ng kanta mga Pinoy na kasali sa Asia’s Got Talent, mga talunan sa Pilipinas Got Talent!

SEEN: Mga talunan na contestant ng Pilipinas Got Talent at It’s Showtime ang mga Pilipino na kasali sa Asia’s Got Ta­lent. Parang replay lang ang Asia’s Got Talent ng Pilipinas Got Talent dahil hindi nag-abala ang Pinoy singers na  palitan ang kanilang mga kanta.

SCENE: RP and RP. Binigo ni Rey Pamaran ang apela ni Robin Padilla na patawarin niya si Melissa Mendez. Maldito pero may katotohanan ang dare ni Rey na hindi niya kailangan ang P3 million na halaga ng damages na kanyang hinihingi kay Melissa.

SEEN: Ang opinyon ng publiko na hindi na dapat sumawsaw si Robin Padilla sa gulo nina Rey Pamaran at Melissa Mendez dahil baka ma-disappoint lamang siya at ituloy na niya ang plano na paninirahan sa ibang bansa.

SCENE: Apektado ng madalas na pagtambay ni Edward Mendez sa mga bar ang kanyang health and fitness book. Nabawasan na ang kredibilidad ni Edward bilang fitness guro dahil laman siya ng isang bar sa Taguig City.

SEEN: Motorsiklo ang sinakyan ni Dingdong Dantes nang dumating siya sa simbahan na pinag­dausan ng kasal nila ni Marian Rivera noong December 30, 2014. Motorsiklo ang sinakyan ni Gabriel Valenciano nang dumating  ito sa venue ng Tagaytay Highlands wedding nila noong Biyernes ng kanyang misis na si Tricia Centenera.

SCENE: Highly recommended ni Teddy Boy Locsin ang Itlog ni FraP, ang egg business ni Francine Prieto. Tumatanggap si Francine ng orders sa AskFrancineP@gmail.com.

SEEN: Kasali si Hero Angeles sa lucky stars na maglalaro sa Deal or No Deal. Nawalan ng  ningning ang showbiz  career ni Hero dahil pinairal niya noon ang katigasan ng ulo.

SCENE: Malungkot na ipagdiriwang ni Albert Martinez ang 54th birthday sa April 19 dahil sa pagpanaw ng kanyang misis na si Liezl Martinez.

Show comments