^

PSN Showbiz

Female personality na may matinding problema, matibay daw talaga ang lalamunan sa alak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming kaibigan pala ng isang kontrobersiyal na female personality ang nu’ng una pa lang ay nagpayo na sa kanya para manahimik na lang. Pero hindi siya nakinig.

Hindi siya tinantanan ng kanyang mga kaibigan, nagmamalasakit ang mga ito sa babaeng personalidad, abut-abot ang kanilang paalala na huwag nang magsalita pa tungkol sa sitwasyong kinasasangkutan niya.

Pero sa muli, hindi siya nakinig, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsasalita tungkol sa isyung kumakaladkad sa kanyang pangalan. Nilibot pa niya ang maraming programa para maunahan niya sa laban ang mga taong nakaengkuwentro niya.

Du’n nagkamali ang aktres, sa kanyang paniniwala na umiyak lang siya on national television ay makukuha na niya ang simpatya ng ating mga kababayan, pero nakalimutan niyang sukatin ang kapasidad ng kanyang kalaban.

Kuwento ng isang source, “Pinayuhan na siya ng mga well-meaning friends niya na manahimik na lang dahil siya ang mali, pero matigas ang ulo niya.

“Ano ngayon ang nangyari? Nganga siya! Napakalaki ng problemang kailangan niyang harapin ngayon dahil tinuluyan siya ng kalaban niya!”

Dati na palang malakas uminom ang babaeng personalidad, pagdating sa paglaklak ay marami siyang pinatitimbuwang, parang alulod daw kasi ang lalamunan ng aktres dahil sa lakas niyang uminom.

Pero nakaligtaan niyang ilagay sa lugar ang paglaklak niya, dahil sa ispiritu ng kanyang ininom ay naging makulit siya, hanggang sa makahanap siya ng kaguluhan na hinding-hindi na niya makakalimutan pa habambuhay.

Pagbibiro pa ng isang pigil nang pigil sa kanya pero hindi niya naman sinunod, “I told you not to go, you go to, look at.”

Ang eksaktong pagsasalin, “Sinabi ko na sa iyo na huwag kang magsalita, nagsalita ka pa rin, tingnan mo!”

Ubos!

Pagiging palaban ni Grace wala sa hitsura

Parang sa isang tulak lang ay babagsak na si Grace Lee. Para siyang babasaging salamin dahil sa napakapino niyang pagkilos. Pero lahat ng ganu’ng impresyon ay panglabas lang.

May kipkip na katapangan at paninindigan ang isa sa mga hosts ng Aksyon sa Umaga ng TV5. Nakikipagbalitaktakan siya kina Lourd de Veyra at Martin Andanar kapag hindi siya sang-ayon sa posisyon ng da­lawa niyang kasama tungkol sa isang isyu.

Kahit pa tungkol kay Pangulong Noynoy Aquino, hindi nagpapaawat si Grace, inilalabas niya ang kanyang saloobin. Ano bang dati silang magkarelasyon ng pangulo? Sasabihin pa rin niya ang kung ano sa panlasa niya ay tama at totoo.

Wala siyang pakialam kung masaktan man ang pangulo sa kanyang mga opinyon, ipinosisyon nga naman siya sa kanyang upuan ngayon sa pang-umagang programa ng TV5 hindi lang para kampihan ang pangulo, kundi para ilatag sa publiko ang sinsero niyang saloobin.

At para siyang mag-aaral na pumapasok sa eskuwelahan nang handang-handa, hindi siya mahuhuling nakanganga tungkol sa isang usapin, nag-aaral ng kanyang leksiyon si Grace Lee bago siya humarap sa mga camera ng telebisyon.

“Ms. Kimchi” ang tawag ng marami kay Grace. Lagi siyang nagreregalo ng kimchi sa kanyang mga katrabaho. May restaurant ang kanyang ina, tumutulong siya sa pagpapatakbo ng kanilang Korean resto, hindi lang siya sa pagho-host kapaki-pakinabang kundi pati sa pagluluto.

Kuwento pa ng isang source mula sa TV5, “Saka hindi niya problema kung wala mang make-up artist sa show, siya mismo ang nagme-make-up sa sarili niya, very independent si Grace.”

GRACE LEE

KANYANG

LANG

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with