Piolo ‘pinagdudusa’ ang anak sa pag-aaral!

Kahit abala na ngayon si Iñigo Pascual sa show business ay sinisiguro naman daw ng amang si Piolo Pascual na hindi titigil sa pag-aaral ang anak. “No, tatapusin niya. Walang pinag-usapan na hindi niya tatapusin. He is doing school. He is doing online schooling. Baka ilipat namin siya sa pwedeng puntahan siya once a week. Ang hirap sa online school, communication niya tawag lang at Internet. Dito at least meron kang pupunta na teacher sa bahay mo, pero hindi siya nag-stop,” nakangiting pahayag ni Piolo.

Matter of priorities, I mean sinabi ko sa kanya na gusto mo talaga mag- artista, sacrifice. Priority mo pag-aaral mo, eh gusto mo mag-soap (opera), gusto mo mag-artista panindigan mo pero make sure pag-aaral mo ang priority mo,” giit ni Piolo.

Alam naman daw ng aktor kung gaano kahirap pagsabayin ang pag-aaral at pag- aartista. “It’s his choice kasi medyo na-frustrate ako na bumaba grades niya,” dagdag niya.

Samantala, wala na raw problema ngayon kay Piolo kung sakali mang magkasama sila sa isang proyekto ng dating kasintahan na si KC Concepcion. “Walang problema, napakaliit na- man ng industriya natin, I don’t mind working with anyone, her for that matter. Kasi nagkasama na rin naman kami sa trabaho before,” makahulugang pahayag ng aktor.

 

Kinakabahan sa tambalan, Coco takot masira si Toni

Ngayon lamang nagkatambal sina Toni Gonzaga at Coco Martin para sa pelikulang You’re My Boss na mapapanood na simula sa Black Saturday.

Ayon kay Coco ay kinaba- han daw siya kay Toni nang mabalitaan na magkakatambal sila sa isang proyekto. “Sobrang hiyang-hiya ako kay Toni kasi siyempre Toni Gonzaga siya eh. Iniisip ko baka mamaya hindi ako pwe- deng magkamali, baka mamaya husgahan niya ako sa pag-deliver ng lines. Baka mamaya husgahan niya ako sa pagbitiw ng mga English na lines pero ang kagandahan do’n hindi ko nakita kay Toni ‘yun,” pagbabahagi ni Coco.

Laking gulat daw ng aktor dahil mabilis silang naging kumportable sa isa’t isa ni Toni. “Ilang days pa lang kami magkatrabaho parang ang gaan- gaan na ng pakiramdam ko sa kanya dahil hindi niya tinitingnan kung ano ako. Tini- tingnan niya ako bilang tao, hindi bilang artista lang,” dagdag ng aktor.

Sobrang pressure ang nararamda-man ngayon ni Coco dahil alam nitong nagiging blockbuster hit ang mga pelikula ng dalaga. “Kinakabahan ako talaga.

Napakataas ng expectation pagdating kay Toni at natatakot ako na baka mamaya first time namin na mag- katrabaho baka masira sa akin si Toni. Honestly hindi ‘yon ang tinitingnan ko dahil bilang artista, laging tinitingnan ko kung ano yung kalalabasan ng pelikulang gagawin namin,” paliwanag ni Coco.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments