Alden planong mag-business ngayong taon
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2015 - 12:00am

Bukod sa magandang karera sa showbiz ay pinagtutuunan din ng panahon ni Alden Richards ang kanyang pinapatayo ng bahay. Inaasahan niyang matatapos ang kanyang bahay sa June ng taong ito. Nabanggit din niyang plano niyang magtayo ng business ngayong 2015.

Sa isang interview kay Empress Schuck, nabanggit nitong gusto niyang makapareha si Alden. “Bakit hindi? Cool lang naman ‘yon dahil hindi pa naman kami nagkakasama.” sagot naman ni Alden nang matanong kung gusto rin niyang makatrabaho si Empress.

Samantala, naghahanda na ngayon si Alden para sa nala­lapit niyang international tour kasama ang ilang Kapuso stars. Habang si Empress naman ay mapapanood sa GMA afternoon series na Kailan Ba Tama Ang Mali, kasama sina Geoff Eigenmann, Dion Ignacio, at Max Collins.

Willie natakot salpukin ang ASAP?!

Kung totoong sa May 2 na ang airing ng Wowowin ni Willie Revillame sa GMA-7, aba eh, Sabado ito at hindi Linggo. Hindi ito makakatapat ng ASAP na siyang unang napabalita. Mabuti naman dahil masyadong star-studded ang naturang Kapamilya program na tampok halos lahat ng malalaking artista ng network. At nagri-rehearse nang husto ang prog­rama kaya medyo madugo ang magiging labanan nila.

Kung gagawin nila itong Sabado ng hapon, eh mas may tsansa silang makakuha ng maraming manonood. Maganda rin namang magbigay ng produksyon ang mga nasa likod ng programa, lalo na si Willie. Idagdag mo pa rito ang malaking pera na inaasahang pakakawalan nila. Siguradong dudumugin sila ng manonood.

Get well soon Ricky and Kuya Germs!

Hinahangad ko ang maagang paggaling ni Ricky Reyes mula sa kanyang karamdaman. Ganun din ni Kuya Germs na napakasipag sa kanyang therapy dahil gusto na talaga niyang mabalikan ang kanyang trabaho sa showbiz. Ang dalawa ang maituturing ko pinakamabubuting tao sa showbiz.

ALDEN RICHARDS DION IGNACIO EMPRESS SCHUCK GEOFF EIGENMANN KAILAN BA TAMA ANG MALI KUYA GERMS MAX COLLINS NIYANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with