^

PSN Showbiz

GMA 7 tatlo ang pasabog sa summer

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagbubukas ng summer season, hatid ng GMA Network sa mga Kapuso ang tatlong malalaking programa sa pamamagitan ng isang summer primetime  launches omnibus plug na inilunsad kamakailan sa 24 Oras. Kabilang dito ang faith serye na Pari ‘Koy, ang romantic drama na Let The Love Begin at ang intriguing soap opera na The Rich Man’s Daughter.

Ang summer primetime launches omnibus plug na ito ay pinangungunahan ng pinakamalalaki at pinakamaningning na Kapuso stars na makikitang namamasyal, at nag-e-enjoy sa rides at iba’t ibang attractions sa isang amusement park.

Itinatampok ang family-friendly series na Pari ‘Koy na pinagbibidahan ng Primetime King na si Ding­dong Dantes. Sa unang pagkakataon ay gi­nam­panan ni Dingdong ang karakter ng isang unconventional priest na madaling lapitan at nakikihalubilo sa mga tao. Kasama rin sa cast ng Pari ‘Koy sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Chanda Romero, Jillian Ward, Luz Valdez, Dexter Doria, Rap Fernandez, JC Tiuseco, Carlo Gonzales, Jeric Gonzales, Hiro Peralta, Jojit Lorenzo, Lindsay de Vera at ang pinakabagong child prodigy ng GMA-7 na si David Remo bilang Pinggoy, ang ma­kulit at may pagkapilyo na “village’s son” ng Baran­gay Pinagpala na may mahalagang papel na gagam­panan sa buhay ni Father Kokoy.

Ipinakikilala ang fast-rising loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa upcoming primetime series na Let the Love Begin. Paiiyakin, patatawanin at paiibigin ng Let the Love Begin ang mga ma­nonood kung saan tampok ang nakakakilig na kwento ng pagkakaibigan at pagmamahalan ng dalawang indibidwal.

At ang inaabangang compelling drama series na The Rich Man’s Daughter tampok ang Primetime Queen na si Marian Rivera sa title role. Gagampanan ni Marian ang challenging role ni Jade Tan­chingco, isang heiress mula sa isang mayamang pamilya. Sa programa, hinahanapan si Jade ng kanyang ama ng isang manliligaw at payag ito na magbayad ng malaking halaga sa lalaking kayang magpaibig sa kanyang anak.

CARLO GONZALES

CHANDA ROMERO

DAVID REMO

DEXTER DORIA

FATHER KOKOY

GABBI GARCIA

GABBY EIGENMANN

RICH MAN

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with