Jericho nagpapayaman muna habang hindi pa nabubuntis si Kim
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2015 - 12:00am

Nasa plano pala nina Jericho Rosales at ng maybahay niyang si Kim Jones ang hindi muna pagkakaro’n ng anak dahil gusto pa nilang ma-enjoy ang isa’t isa. Kapag nagsimula na silang magpamilya ay mga anak na ang kanilang magiging priority. Baka maski na ang trabaho nila ay makaapekto sa pag-aanak nila.

Kaya habang hindi pa buntis si Kim sinasamantala ni Echo ang paggawa ng mga proyekto tulad ng Bridges of Love na nangangailangan ng kanyang buong atensyon dahil talagang mahirap ang role niya rito at ayaw niyang biguin ang mga manonood ng serye

Nyoy kakaiba ang ginawang wedding proposal sa girlfriend

Mukhang kinabog ni Nyoy Volante, isa sa siyam na celebrities na nabigyan ng pagkakataon na gawing ka-look alike at ka-sound alike ng mga kilalang icon sa Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN na nagsimulang umere kagabi.

Kakaiba ang ginawa nitong marriage pro­­posal sa kanyang girlfriend na isa ring singer na balak niyang pakasalan sa February 2016. Ginawan nito ang girlfriend ng isang fairy tale at ipinagawa niyang libro, nilag­yan din niya ito ng drawing at illustration na siya rin ang gumawa.

Sa dulo ng libro ay inilagay niya ang engagement ring. Napaka-unique ang ginawa ni Nyoy at nagpapamalas ng kagalingan niya hindi lamang sa pagkanta kundi maging sa pagsusulat ng libro at pagdo-drawing.

Paalam Liezl

Nakikiramay kami sa maagang pagpanaw ni Liezl Martinez, maybahay ni Albert Martinez at nag-iisang anak ni Amalia Fuentes. Pumanaw ito dahil sa matagal nang sakit niyang kanser. Nag-iwan ito ng tatlong anak sa kanyang asawa.

Herbert personal choice

Anumang pag-iwas ang gawin ni QC Ma­yor Herbert Bautista, talagang mananatili ang pagi­ging artista niya na naiintriga maging sa perso­nal niyang buhay kahit anong pananahimik ang kanyang gawin.

After his controversial episode with Kris Aquino, ewan ko kung may gulo ring hatid sa kanya ang gagawin niyang movie kasama si Maricel So­ria­no na personal siyang pinili na makatambal sa pelikula na ididirek ni Andoy Ranay. Ito ang Lumayo Ka Nga sa Akin na isinulat ni Bob Ong.

ALBERT MARTINEZ AMALIA FUENTES ANDOY RANAY BOB ONG BRIDGES OF LOVE HERBERT BAUTISTA JERICHO ROSALES SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with