Rico Yan 40 years old na sana!, Maricel and Herbert tuloy ang gagawing pelikula
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2015 - 12:00am

SCENE: Sina Maricel Soriano at Quezon City Mayor Herbert Bautista ang magkapareha sa isang episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin, ang bagong movie project ng Viva Films. Magsisimula sa March 22 ang shooting ng Lumayo Ka Nga sa Akin na movie version ng isa sa mga popular satire book na isinulat ni Bob Ong.

SEEN: Ang obserbasyon na may sawa factor ang kagandahan ni Julia Barretto na magandang-maganda sa kanyang 18th birthday party noong March 10.

SCENE: YAMIshita’s Treasures at hindi YAMAshita’s Treasures ang pamagat ng Wansapanataym Presents project nina Coco Martin at Julia Montes. Nagmula ang pamagat sa “yummy word” na pinasikat ni Coco sa isang television commercial.

SEEN: Ngayong gabi ang huling episode ng Two Wives ng ABS-CBN. Eksaktong apat na buwan na napanood sa telebisyon ang Two Wives na nagsimula noong October 13, 2014.

SCENE: Bukas ang 40th birth anniversary ng namayapang aktor na si Rico Yan. Inaasahan ang pagbisita ng loyal fans ni Rico sa puntod nito sa Manila Memorial Park. Parañaque City.

SEEN: Dumami ang haters at bashers ng nanay ni Jam Sebastian dahil sa message nito na “To all haters and bashers thank you dahil lalo n’yo kaming pinapasikat type na type ko po ‘yan eto lng masasabi ko sa inyo MAMATAY KYO SA INGGIT!  

SCENE: Ang sagot ng ina ni Jam Sebastian sa haters and bashers ang naging sukatan ng hangganan ng kanyang pang-unawa at kalawakan ng pag-iisip.

BOB ONG COCO MARTIN HERBERT BAUTISTA JAM SEBASTIAN JULIA BARRETTO JULIA MONTES LUMAYO KA NGA TWO WIVES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with