Carmina dalagang-dalaga pa rin ang porma, hindi nalalayo kay Paulo

Ramdam na ramdam ko ang pagdating ni Carmina sa restaurant dahil nasa entrance pa lang siya, umaalingawngaw na ang kanyang matinis na boses.

Dalagang-dalaga ang porma ng katawan ni Carmina. Hindi mo iisipin na mga teenager na ang kambal na anak nila ni Zoren.

Marunong kasi si Carmina na mag-alaga ng katawan at ganoon din si Zoren. Parehong health buff ang magdyowa na hindi nawawalan ng mga product endorsement.

Malapit nang mapanood si Carmina sa Bridges of Love ng ABS-CBN. Ang sey ni Carmina, kakaiba at challenging ang role niya sa bagong teleserye ng Kapamilya Network.

Siyempre, may permiso ni Zoren ang pag-apir ni Carmina sa Bridges of Love dahil sa mga hot scene ng kanyang misis kay Paulo Avelino.

Bagets looking si Carmina kaya parang hindi nagkakalayo ang mga edad nila ni Paulo.

Kahit nagdidirek ng Pasion... Eric tuloy pa rin ang negosyo sa Hong Kong

Naglagare ako kahapon sa Thanksgiving presscon ng mga talent ni Dolor Guevara at sa presscon ng InstaDad ng GMA-7.

Inuna ko na puntahan ang Thanksgiving presscon nina Eric Quizon, Carmina Villarroel, at Zoren Legaspi sa favorite restaurant namin ni Dolor.

As usual, early bird ako dahil nauna pa ako sa mga talent ni Dolor.

Piyestang-piyesta ang pakiramdam ko dahil sa masasarap na Pinoy food na ipinahanda ni Dolor.

Naubos ko na ang tanghalian ko nang dumating si Eric na always looking fresh.

Busy si Eric sa teleserye niya sa ABS-CBN na Pasion De Amor pero direktor siya at hindi artista sa afternoon teleserye na pinagbibidahan ng mga sexy star ng Kapamilya Network.

Ang tapings ng Pasion De Amor ang dahilan kaya bihira nang pumunta si Eric sa Hong Kong. Kahit li­mited na ang kanyang pagbiyahe sa Hong Kong, tuloy pa rin ang events business ni Eric sa bansa na naging tahanan niya mula noong 2007 hanggang 2009.

Napirmi lang si Eric sa Pilipinas nang magkasakit si Mang Dolphy at nang maging abala siya sa kanyang mga TV show noon sa TV5.

Gabby namamayat sa rami ng trabaho

Sa loob ng isang linggo, anim na araw na makikita si Gabby Eigenmann sa mga programa ng GMA-7.

From Monday to Friday, mapapanood si Gabby sa Pari Koy at tuwing Linggo, sa InstaDad.

Kung kontrabida si Gabby sa Pari Koy, bidang-bida naman siya sa InstaDad.

Hindi na mahihirapan si Gabby na magpapayat dahil tiyak na mababawasan ang kanyang timbang sa paglalagare niya sa tapings ng Pari Koy at InstaDad.

Paborito si Gabby ng production staff dahil magaan siya na katrabaho at walang attitude problem. Hindi siya katulad ng ibang mga aktor na saksakan ng arte at maraming demands.

Ang magandang ugali ni Gabby ang dahilan kaya good karma siya at patuloy na pinagkakatiwalaan ng GMA-7.

Prince kailangang maghanda sa bashers dahil kahawig ni Daniel!

Co-stars ni Gabby sa InstaDad ang mga bagong contract star ng GMA Artist Center na sina Gabbi Garcia, Ash Ortega, at Jazz Ocampo.

Ang tatlong dalagita ang mga gaganap na triplets na anak ni Gabby.

Introducing din sa InstaDad ang new young actors na ibi-build up ng GMAAC. Ang isa ay si Prince Villanueva na kalokalike ni Daniel Padilla at mainstay ng Walang Tulugan ni Kuya Germs.

I-wish natin na huwag maging biktima ng bashing si Prince dahil kahawig siya ni Daniel.

Show comments