Asiwa ang isyu away ng mag-asawang Cesar at Sunshine hindi na pinag-interesan

SEEN: Sina Karla Estrada at Melai Cantiveros ang nagpasaya sa presscon kahapon ng Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN dahil sa kanilang mga sagot na nakakatawa. 

SCENE:  Identified sa GMA 7 ang performers ng Your Face Sounds Fami­liar, sina Jolina Magdangal, Maxene Magalona, at Jay-R. Produkto ng Eat Bulaga ng GMA 7 si Edgar Allan Guzman.

SEEN: Ang strong resemblance nina Richard Yap at Diether Ocampo, ang co-stars ni Judy Ann Santos sa Someone to Watch Over Me, ang upcoming primetime bida ng ABS-CBN.

SCENE: Hindi na nagpapakita ng interes ang publiko sa away nina Sunshine Cruz at Cesar Montano dahil napagod at asiwa sila sa isyu. 

SEEN: Ang overkill na coverage sa pagkamatay ni Jam Sebastian ng Youtube sensation na Jamich.

SCENE: Nababagalan pa si Manny Pacquiao sa mga kilos niya sa kanyang boxing training pero hindi siya kinakabahan dahil matagal pa ang laban nila ni Floyd Mayweather, Jr.

SEEN: Ipinapaubaya ng PNP sa Sandiganbayan ang desisyon tungkol sa paglilipat sa regular jail kina Senator Jinggoy Estrada, Senator Juan Ponce Enrile, at Senator Bong Revilla, Jr.

SCENE: Ang plug shoot kahapon ng cast ng mga bagong programa ng GMA 7 na pinangungunahan nina Dingdong Dantes at  Marian Rivera.

Show comments