Jericho pinag-aaralan pa si Kim bago anakan!

Isang taon na ring kasal sina Jericho Rosales at Kim Jones. Hanggang ngayon ay wala pa raw plano na magkaroon ng anak ang mag-asawa. “Wala pa, hindi pa. I’m still praying about it kung kailan ang perfect timing. Kasi gusto ko muna ma-enjoy niya ‘yung work niya. I mean ako din, gusto ko maging prepared for that. Kasi ‘pag kinasal kayo hindi pa tapos do’n ‘yun eh. Pag-aaralan n’yo pa ‘yung isa’t isa ‘di ba? And then kung kailan ‘yung timing,” paliwanag ni Jericho.

Gusto raw ng aktor na maalagaan ang asawa kapag nagbuntis na ito kaya pinaplano raw talaga nila itong mabuti. “I want to be there for her kapag nabuntis na siya. I want to be there a few months before siya manganak and a few months after siya manganak. So timing is crucial talaga. Gusto ko nando’n ako eh para sa kanya and we’re both not ready pa. So we are praying hard about it. Time will come,” giit ng aktor.

Samantala, malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang teleseryeng Bridges of Love na pinagbibidahan nina Jericho, Paulo Avelino at Maja Salvador. Ayon kay Jericho ay wala raw naging problema kay Kim ang maiinit na eksena nila ni Maja. “First of all Australian si Kim. So medyo open ‘yung kultura nila so hindi masyadong konserbatibo pero may value siyempre si Kim. Alam niya ang ginagawa ko, ‘yung work ko na may reason. She knows that na hindi ako gagawa ng isang bagay for wrong reasons. That’s how much she trusts me and vice versa,” pagbabahagi ni Jericho.

Matapos siyang alagaan ng one week Kaye gusto na ring pakasalan si Paul Jake

Kamakailan ay nagkasakit si Kaye Abad at nagpapasalamat ang aktres sa kasintahang si Paul Jake Castillo sa pag-aalagang ginawa nito sa kanya. “Nakakatuwa na nando’n siya na nagbantay. Severe dysmenorrhea so kinailangan ko magpa-checkup. Siguro sa pagod at puyat din. So pinagpahinga ako ng isang week,” nakangiting pahayag ni Kaye.

Para sa dalaga ay husband material na raw si Paul Jake. 33 years old na ngayon si Kaye kaya hindi na rin daw malayo na magpakasal sila ng aktor sa mga susunod na taon. “Ngayon ko na-feel na ready na ako. Naramdaman ko lang ngayon. Huwag naman sana u­mabot ng 40 years old. Basta okay ako, sinabi ko naman na nakikita ko na siya, na sana siya na talaga,” pagtatapat ni Kaye.

Isang taon pa lamang magkasintahan ang dalawa kaya ine-enjoy daw muna nila ang mga panahon na magkasama sila. Wala raw problema kay Kaye kung magkaanak muna sila ni Jake bago pa magpakasal. “Ako, okay ako do’n kasi may edad na rin ako. Both my brother and my sister, pareho silang nauna ‘yung baby bago kasal. So I wanted to sana to give my parents ‘yung kasal bago baby,” paliwanag ni Kaye.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments