^

Kuwento ng SC mas umiinit pa

(Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Natutuwa naman si Norma (Ayen Munji-Laurel) para sa anak na si Jerome (Rafael Rosell) dahil nagkakamabutihan na sila ni Lyra (Jennylyn Mercado). But more than that, Norma is happy that she can now start executing her secret plan.

Magkukrus ang landas nina Benito, Carmen at Norma. Magbabatian sila at bago pa matapos ni Benito ang gustong sabihin ay uunahan na siya ni Norma na kalimutan at huwag nang ipaalala ang nakaraan. Magsu-sorry pa si Carmen pero magmamadaling umalis si Norma; pagtalikod niya ay makikita ang galit sa mukha niya.

Isinalang na rin sa witness stand si Billy (Joshen Bernardo) at sasabihin nito na si Bernard (Raymart Santiago) ang mas gusto niyang makasama. Malungkot man pero ayaw nang ipa-cross examine ni Rebecca (Camille Prats) si Billy sa kaniyang lawyer.

Darating sina Lyra at Jerome para makibalita sa hatol ng Judge pero pagkaki­ta pa lamang sa kanila ni Colleen (Chynna Ortaleza) sa labas ng sala ng Judge ay susugurin niya si Lyra. Magkakasagutan ang dalawang babae pero bago pa magkasakitan ay aawat si Jerome at aayain na lamang si Lyra na umupo sa di kalayuan habang nakairap sa kanila si Collen.

Ang hatol ng Judge ay ibigay ang custody of Billy kay Rebecca bilang napatunayan na siya ang biological mother nito.   

‘Yan at iba pa ang aabangan sa pagpapatuloy ng kuwento ng Second Chances ng GMA 7.

 

AYEN MUNJI-LAUREL BENITO CAMILLE PRATS CHYNNA ORTALEZA JENNYLYN MERCADO JEROME JOSHEN BERNARDO RAFAEL ROSELL RAYMART SANTIAGO REBECCA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with