Chiz at Heart tumatanggap ng regalo! Pag-iyak ni Kris walang epek!

SCENE: Tatanggap ng wedding gifts sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero dahil nakalista ang kanilang mga pangalan sa Bridal Registry ng Rustan’s, Crate & Barrel at Pottery Barn.

SEEN: Ang request nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero na i-tag (#chizheart21515) ang kanilang wedding photos ng mga invited guest na magpo-post sa Twitter at Instagram.

SCENE: Nasaksihan kahapon sa telebisyon ang circus ng imbestigasyon ng House of Representatives sa Mamasapano Massacre. Lalong lumabo ang imbestigasyon ng Kamara dahil sa pagkakagulo ng mga kongresista na parang sabik na sabik na makita sa telebisyon ang mga sarili.

SEEN: Walang epekto sa mga tao ang pag-iyak ni Kris Aquino sa KrisTV nang mamigay siya ng mga regalo sa lucky televiewers ng kanyang programa. Walang naramdaman na sincerity ang mga manonood.

SCENE: Uuwi lamang ng Pilipinas si Gian Magdangal para sa birthday concert ni Aicelle Santos sa PETA sa February 25. Hong Kong based si Gian dahil may kontrata siya bilang performer sa Hong Kong Disneyland.

SEEN: Consistent sa pagde-deny si Aicelle Santos na may namamagitan sa kanila ni Gian Magdangal pero inamin niya na pinagselosan siya ni Sheree, ang former Viva Hotbabes member na ina ng anak ni Gian.

SCENE: Ang pahayag ni MTRCB Chair Toto Villareal sa isang seminar na hindi na mauulit ang Edsa Revolution dahil nailalabas na ng mga tao sa social media ang kanilang mga damdamin at saloobin.

Show comments