Daniel at Kathryn may romantic treat sa ASAP 20!
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng engrandeng 20th anniversary ng ASAP 20, back-to-back ang kilig at sorpresa ang pasabog ngayong Linggo (Pebrero 8) dahil sa Valentine treat nina teen King and Queen Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo sa official launch ng kanilang pi­na­kananabikang pelikula na Crazy Beautiful You.

Tunghayan ang naiibang selebrasyon ng pag-ibig sa espesyal na bridal shower ni Yeng Constantino kasama ang ASAP sessionistas na sina Richard, Juris Fernandez, Kean at Aiza Seguerra.

Bukod sa ‘Feb-ibig’ na dala nina Daniel, Kathryn at Yeng, tuloy-tuloy na selebrasyon ang matutunghayan sa ASAP centerstage dahil sa bonggang birthday bash na inihanda para sa Star Magic ‘main man’ na si Direk Johnny Manahan kasama ang naglalakihang Kapamilya stars na sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Zanjoe Marudo, Jericho Rosales Vina Morales, Pokwang, Xian Lim, at Jessy Mendiola at sina Joana Ampil, Leo Valdez, Lani Misa­lucha, Martin Nievera, and Lea Salonga.

Samantala, world-class talent naman ang muling masasaksihan sa ASAP 20 concert stage sa nakaka­kilig sa I Love OPM segment nina ultimate performers Gary Valenciano, Martin at Lani. Humanda naman sa naiibang production ng Gimme 5 kasama sina Nash Aguas at Alex Ilagan.

Hindi naman papahuli ang Gonzaga sisters na sina Toni and Alex sa kanilang kakaibang sorpresa ngayong linggo. Hindi rin papahuli si Bb. Pilipinas- Universe MJ Lastimosa sa kanyang nagliliyab na ASAP dance performance.

Abangan naman ang paglulunsad ng pinabagong album ni Arnel Pineda; na susundan ng makatindig-balahibong musical performance nina ZsaZsa Padilla, Kuh Ledesma, Louie Reyes, Eugene Villaluz, Tillie Moreno, and Ray-An Fuentes. May espesyal na musical collaboration din sina Jed Ma­dela, KZ Tandingan, Klarisse Morissette, at Jovit Baldivino. Nagliliyab din ang Supah dance nina Maja Salvador, Gerald Anderson, Enchong Dee, Shaina Magdayao, Nikki Gil, at Aaron Villaflor at ang karaokey Challenge nina Luis Manzano at Alex kasama ang ne­west challenger na si master rapper Andrew E.

 

AARON VILLAFLOR AIZA SEGUERRA ALEX ILAGAN ANDREW E ARNEL PINEDA BEA ALONZO CRAZY BEAUTIFUL YOU DIREK JOHNNY MANAHAN ENCHONG DEE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with