^

PSN Showbiz

Martin at Gary parehong pinarangalang People of the Year

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hectic ang schedule last Monday nina Martin Nievera at Gary Valenciano dahil after ng presscon ng Valentine’s Day Concert nilang Ultimate kasama si Regine Velasquez, nag-pictorial sila sa may Valle Verde. Ang photographer sa pictorial ay ang daughter-in-law ni Gary, asawa ng anak na si Paolo Valenciano na si Samantha Godinez-Valenciano na pamangkin ni Martin Nievera.

After ng pictorial, dumalo sina Martin at Gary sa People Asia Award kung saan, kabilang ang dalawa sa People of the Year awardee for 2014. Ginawa sa New World Hotel sa Makati ang awar­ding. Ka­sama nilang awardee si Pope Francis at sa taga-showbiz ay sina Ms. Susan Roces, Boy Abun­da, Kris Aquino, at Lea Salonga.

Nakunan ng picture si Gary at ang asawang si Angeli P. Valenciano sa awards cere­mony kasama ang Philipine Star/PSN President and CEO Miguel Belmonte. Big event ang nangyari kung saan, sama-sama ang movers from business, showbiz, politics and arts at thankful sina Gary at Martin na kasama sila sa awardees.

Anyway, nangako si Gary na gagawin ang best nila sa Ultimate concert na gaganapin sa MOA Arena sa February 13 and 14 sa direction ni Rowell Santiago at Maestro Ryan Cayabyab bilang musical director nila.

Ultimate nina Martin, Regine, Gary and Lani, apat na oras

Sabi ni Martin Nievera, times four ang entertainment, harmony, blending, good music, and fun ang magaganap sa Ultimate concert nila nina Regine Velasquez, Gary Valenciano, at Lani Misalucha sa February 13 at 14 sa MOA Arena.

Hindi nabanggit ni Martin na times four din ang promotion sa concert dahil tumutulong sila sa promotion nito at nauna pa silang mag-promote sa kani-kanyang Instagram (IG) accounts. Kaya November of 2014, marami na ang nakabili ng tiket na ang pinakamahal ay P8-K.

Natawa kami sa sagot ni Martin kung bakit two nights ang Valentine concert nilang apat. Dahil daw ang first night ay warm up at rehearsal lang. Nabanggit din nito na ang suggestion niyang title sa concert ay All For Love, pero majority ay Ultimate ang napili dahil ultimate challenge ito sa mga producer na sina Ana Puno at Cacai Mitra. Mas maganda rin daw ang ASOP na title na pinagsamang ASAP ng ABS-CBN at SOP ng GMA-7 na dating shows nilang apat.

Ayon pa kay Martin, ang peg ng Ultimate ay ang music ng Pentatonix na isang American a capella group, The Manhattan Transfer, at The Company. Pero may solo number din sila, kaya be ready daw sa four hours concert.

Kinontra nina Re­gine at Gary ang sinabi ni Martin na he’s the most sintunado sa grupo dahil marunong itong mag-blending at sa napanood naming video ng tatlo sa rehearsal, hindi naman naiwanan si Martin. Swak ang boses niya sa dalawa.

First time nilang magsasama-samang apat, kaya tamang tawaging “Big event” ito sa local music industry at matagal nang hinintay ng fans. Kaya nagpasalamat ang tatlo sa Star Media at IME na tinupad ang wish ng fans na makita sila in one stage singing and performing together.

Zsa Zsa ipinangangalandakan na walang problema sa mga mana

May pinost na picture si Zsa Zsa Padilla sa IG na kasamang kumakain ng dinner ang BF at mga anak nito. “My favorite type of Sunday is when we have all the kids together for dinner! What a treat!” ang caption ng singer-actress sa picture.

Present sa dinner sina Karylle, ang husband nitong si Yael Yuzon, Zia at Nicole Quizon. Gusto lang sigurong i-korek ni Zsa Zsa ang nabalitang may conflict sila ni Zia dahil sa balak niyang ibenta ang bahay nila ni Dolphy.

Itinanggi na ni Zsa Zsa sa presscon ng M (Mo­ther’s Maiden Name) ang tungkol dito, hindi ibebenta ang bahay at maganda ang relasyon niya sa mga anak. Ang payo nito sa mga nagdududa, visit her IG page at makikitang lagi siyang may pictures kasama ang mga anak.

Samantala, ngayong araw na, Miyerkoles, ang opening ng M, isang magandang pelikula ng Quantum Films sa direction ni Zig Dulay na magpapakita sa mother and son relationship at sa problema sa healthcare ng bansa.

ALL FOR LOVE

ANA PUNO

GARY

MARTIN

MARTIN NIEVERA

REGINE VELASQUEZ

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with