Ate Vi hindi pinagbigyan ng ‘Salubong’ ni Pope Francis!
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi pala binigyan ng visual artist na si Dante Hipolito ng replica ng kanyang painting na Salubong si Gov. Vilma Santos. Nagkalat kasi sa social media ang nasabing painting ni Hipolito kung saan makikita si Pope Francis kasama ang celebrities na ang pinakamabida kumbaga ay  si Ate Vi, kasama sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Kris Aquino, Coco Martin, Gary V. Siguro nagandahan si Gov. Vi pero sadly ay hindi siya pinagbigyan.

Sa isang interview ng GMA News Online sinabi ni Hipolito na ginawa lang niya ang nasabing painting dahil sa kanyang pananampalataya at pagmamahal sa Sto. Papa na dara­ting bukas ng hapon sa ating bansa. At ni-request ng kanyang misis na ilagay ang kanyang mga favorite celebrities. Kaya nang may mag-upload sa social media, lahat napahanga dahil nga ang ganda. Marami ring nagne-nega, pero majority nagagandahan.

“Hindi ko ginawa ‘yun para sa masa. Hindi ko iniiisip ‘yung masa, o kahit sinong tao. Mapagbigyan ko lang ‘yung asawa ko,” sabi ni Hipolito sa interview sa GMA News Online.

Dagdag pa niya “Wala akong tinitira, wala akong pino-promote. Trip lang namin itong mag-asawa. Wala akong intensyon kahit kanino.”

Ilang araw nang nagkalat sa social media ang nasabing painting.

Well, parang mas maganda pa naman ito kesa sa mga ads ng ibang pulitiko o produkto na ginagamit ang picture ni Pope Francis na alam mo naman ang kanilang intention.

Aktres hindi pa raw ipinakikita ang totoong kulay sa Bf

Hindi pa raw totoong ugali ng aktres ang ipinakikita niya sa kanyang boyfriend. Ayon sa mga nakasama ng aktres noon, nagbabalatkayo pa lang ang aktres at sure siyang hindi pa nadidiskubre ng karelasyon nito ngayon ang tunay nitong kulay. Lukring daw ang actress na ito at magulo talagang kausap kaya ang dama ng dating kakilala ng aktres, ‘di rin sila magtatagal ng karelasyon ngayon.  

ATE VI COCO MARTIN DANTE HIPOLITO DINGDONG DANTES GARY V HIPOLITO NEWS ONLINE POPE FRANCIS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with