KathNiel hindi nag-walkout sa Italy concert

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Star Magic ng ABS-CBN na nag-walkout sna Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang concert sa Italy.

“All Star Magic artists go to great lengths to please and satisfy the various audiences and fans. The meet and greets are a concession to the local producers who use them as a marketing device. They are run by the producers and often the artists have little or no control over how they are run,” paliwanag ng Star Magic.

Isang fan ang nag-post sa social media ng kanyang pagkadismaya sa onscreen partners dahil sa umano'y pag-walkout sa meet and greet na bahagi ng concert.

Ikinalungkot ng management ang nangyaring pagkadismaya ng fans kaya naman nangakong gagawin nila ang lahat upang hindi na ulit ito mangyari.

Samantala, may ibang fans naman ang dumepensa sa KathNiel at sinabing nakapag-pizza party pa sila para ipagdiwang ang kaarawan ng ina ni Kathryn.

Show comments