^

PSN Showbiz

Akala ay bulagsak: Sikat na male personality mahigpit na mahigpit sa money!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang buong-akala ng mas nakararami ay bulagsak sa pananalapi ang isang sikat na male personality. Dahil sobra-sobra na ang laman ng kanyang bulsa at malaki na ang kanyang naiimpok sa banko, ang iniisip ng marami nating kababayan ay balewala na sa kanya ang mga barya-barya, pero hindi pala.

Marunong humawak ng pera ang sikat na male personality, bilang na bilang niya ang pera sa kanyang clutch bag, hindi siya puwedeng umitan ng kanyang alalay.

Bilang niya kung magkano ang lumalabas, alam niya ang presyo ng mga ipinabibili niya, kaya kailangang kumpleto rin ang sukli kapag nagtutuusan na sila.

Kuwento ng aming kausap, “Kunwari, nagpabili siya ng battery, kinukuha niya ang resibo nu’n, nakaipon sa kanya, para pagdating na niya sa bahay, maayos ang computations niya ng nabawas at natira sa pera niya.”

Hindi pagiging dudero ang tawag du’n kundi pagiging masinop, dapat lang namang ingatan ng sikat na lalaking personalidad ang kanyang pananalapi dahil dugo at pawis ang puhunan niya sa kung anumang kayamanang meron siya ngayon, hindi niya ‘yun basta pinupulot lang sa tabi-tabi ng kalye.

“Kunwari, isang bundle na pera ang inilagay niya sa clutch bag niya. Kunwari, one hundred thousand ‘yung bundle. Kailangang alam niya kung magkano ang nabawas du’n, kailangang mag-tally ang nagastos at ang sukli kapag binibilang na niya,” dagdag ng aming source.

Sa ganu’ng paraan ay natuturuan din niya ang taong pinagkakatiwalaan niyang maghawak ng kanyang bag. Hindi ito basta-basta nasisilaw sa pera, alam nito na sa gabi ay kailangang kumpleto ang bilang ng salapi, walang panahon ang tagahawak ng pera na hindi maging tapat sa kanyang boss.

Mapagpahalaga sa kanyang pinaghihirapan ang sikat na male personality, ‘yun ang dahilan kung bakit hindi siya pinagtatampuhan ng kapalaran, maingat na maingat siya sa money.

‘Yun na ‘yun! Ubos!

Sharon hindi pa rin daw nagtatagumpay sa pagpapapayat

Dalawang araw na ginawang pulutan sa mga handaan ang hindi pagsipot ni Sharon Cuneta bilang ninang sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Dalawang senaryo ang inaabangan ng mga miron nu’ng kasalan. Ang pagkikita nina AiAi delas Alas at ni Kris Aquino at ang pagdalo ng Megastar na balitang malaki na raw ang ibinagsak ng timbang.

Nagkabati na sina AiAi at Kris, pero ni anino ni Sharon Cuneta ay hindi nakita, kaya maraming ispekulasyon na naglabasan dahil sa hindi niya pagsipot sa kasalan.

Unang ispekulasyon, hindi pa nakamu-move-on ang Megastar sa pagpanaw ni Mommy Elaine, hanggang ngayon ay wasak pa rin ang puso ng singer-actress sa pagkawala ng kanyang mahal na ina.

Ikalawa, siguro raw ay hindi pa niya naaabot ang ideyal na timbang para magpakita na siya sa publiko, malaki pa rin daw siguro ang Megastar, kaya ayaw niyang mapuna ‘yun ng mga nag-aabang.

Parehong balido ang mga rason, sariwa pa ang sakit na dulot ng pagkawala ni Mommy Elaine, ayaw ring biguin ni Sharon ang mga naghihintay na makita siyang payat na.

Pero ayon sa mga kaibigan ng Megastar ay patuloy ang kanyang pagda-diet, kung tutuusin ay hindi na niya kailangang magtrabaho pa para lang mabuhay, pero mahal niya ang kanyang propesyon.

Gusto pa rin niyang kumanta at umarte pero hindi naman puwedeng puro negatibong pagpansin ang mapala niya tuwing humaharap siya sa mga camera. Pinaghahandaan niya ang pagkakataong mabawasan na ang kanyang timbang at saka siya papagitna sa entablado.

vuukle comment

DALAWANG

KANYANG

MEGASTAR

MOMMY ELAINE

NIYA

SHARON CUNETA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with