Powerhouse magbibigay sa bahay ng mga lolo’t lola
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bago matapos ang taon, isang tahanan ang bi­­bigyan ng aguinaldo ng Kapuso program na Po­wer­­house – ang Tahanan ni Maria sa Cavite.

Ang Tahanan ni Maria ay nagsisilbing kanlu­ngan ng mga matatanda simula noong 1996. Kalahating ektarya ang lawak nito at may 30 lolo at lola ang  inaalagaan dito. Ngunit ang misyon nila na magbigay ng serbisyo sa mga may edad ay na­lilimitahan dahil sa kanilang pasilidad. Luma na kasi ang ilang kagamitan at sira na ang ilang bahagi ng kisame ng kanilang tahanan.

Kaya ngayong Pasko at Bagong Taon, manga­ngaroling ang Po­werhouse at kakatok sa pinto ng ilang kilalang personalidad na may mga mabubu­ting kalooban.

Ano kaya ang naghihintay na aguinaldo sa mga lola at lola sa Tahanan ni Maria? Huwag palalampasin ang special episode na ito ng Powerhouse, ika-31 ng Disyembre, 4:35 ng hapon sa GMA 7.

ANG TAHANAN ANO BAGONG TAON CAVITE DISYEMBRE HUWAG KALAHATING SHY TAHANAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with