Vina ayaw sirain ang mag-asawang Robin at Mariel
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2014 - 12:00am

Nakakatuwa namang malaman na sa tinagal-tagal ng pagtatrabaho ni Vina Morales sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo kasama si Robin Padilla, ni minsan ay hindi niya nakita sa set ang asawa ni Binoe na si Mariel Rodriguez. Gusto ko tuloy paniwalaan na pinaiwas ito ni Robin at binawalang pumunta sa shooting nila.

Sana ang lahat ng ito ay para sa promosyon lamang ng movie. Mahirap naman kung mapagbintangan pa si Vina na nanira ng relasyon nina Robin at Mariel.

‘No pre-marital sex’ nina John at Isabel ‘di pinaniniwalaan

Mahirap bang paniwalaan na walang pre-marital sex sa pagitan nina John Prats at Isabel Oli? Mahirap itong sagutin sa panahon ngayon, maaga ka­sing nagising ang mga kabataan sa tawag ng laman, kaya marami rin ang maagang nagbuntis.

Gerald pang-forever na pala kay Maja

Marami ang natutuwa na na-realize na ni Ge­rald Anderson na si Maja Salvador ang babaeng gus­to niyang makasama habambuhay. Sana totoo na nga ito dahil sa rami ng mga relasyong hindi nagtatagumpay ngayon, natatangi itong relasyon nina Gerald at Maja na bagaman at hindi pa puwedeng mag-asawa ay alam na agad na sila ang para sa isa’t isa.

Good luck sa inyong dalawa.Sana nga kayo na forever and ever.

ANG UNANG PANGULO ISABEL OLI JOHN PRATS MAHIRAP MAJA MAJA SALVADOR MARIEL RODRIGUEZ SANA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with