Bianca hindi itinatago ang pagkagusto kay Miguel
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2014 - 12:00am

Ang Once Upon a Kiss ang next primetime program nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali pagkatapos ng pagtatambal nila sa Niño ng GMA-7. Apat na buwan nang walang regular teleserye ang dalawa pero hindi naman sila nabakante dahil mga mainstay sila ng sitcom na Ismol Family. Binigyan agad ng follow-up TV assignment sina Bianca at Miguel dahil sa request ng kanilang fans sa management ng Kapuso Network.

Three years older si Miguel kay Bianca dahil 14 years old lamang ito. Open si Bianca sa pagsasabi na crush niya si Miguel pero hindi nito alam. Sa rami ng mga reporter na nakausap ni Bianca sa presscon kahapon ng Once Upon a Kiss, imposible na hindi makarating kay Miguel ang mga sinabi niya.

Si Barbie Forteza ang natsitsismis na girlfriend ni Miguel pero nag-deny ang bagets. Magkaibigan lamang daw sila ni Barbie at naging close nang magkasama sa Paroa, ang afternoon fantaserye noon ng GMA 7.

Miguel hindi na muna maghahanap ng bahay, uunahin ang kotse

Sa susunod na buwan ang target airing ng Once Upon a Kiss. On hold muna ang plano ni Miguel na maghanap ng half way house sa Quezon City dahil malapit sa bahay nila sa Dasmariñas, Cavite ang taping ng Once Upon a Kiss sa Tagaytay City. Nagbalak si Miguel at ang kanyang mga magulang na maghanap ng marerentahan na bahay sa Quezon City dahil dusa ang bumiyahe mula sa Cavite.

Blessing in disguise na malapit sa Dasmariñas ang taping ng bagong primetime show nina Miguel at Bianca kaya ang bumili ng bagong sasakyan ang bagong project ni Miguel.

Eunice papalitan na sina Sheena at Chariz sa pagiging bestfriend ng bayan

Dalagang-dalaga na si Eunice Lagusad nang magkita kami sa presscon ng Once Upon a Kiss. The who si Eunice? Siya ang gumanap na anak ni Bakekang sa television series noon ng GMA-7.

Parang kailan lang nang mapanood ko na umiiyak sa TV si Eunice dahil winasak ng bagyo ang bahay nila. Bagets na bagets pa noon si Eunice at ngayon, dalaga na siya. Si Eunice ang gumaganap na bestfriend ni Bianca sa Once Upon a Kiss. Si Eunice na yata ang papalit sa trono nina Sheena Halili at Chariz Solomon na mga bestfriend ng bayan ang madalas na ginagampanan noon sa mga TV show at pelikula.

Hindi lamang bestfriend ng bida ang mga role na ibinibigay kay Eunice dahil gumanap na rin siya na nanay sa isang indie movie at hindi nagkakalayo ang edad nila ng artista na gumanap na anak niya.

Gladys parang nanghihingi ng award ang akting sa Magkakabaung

Natuwa ako dahil marami ang pumupuri sa akting ni Gladys Reyes sa Magkakabaung, ang award-winning movie ni Allen Dizon na official entry sa New Wave Category ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF). Dalawang araw na nag-shooting si Gladys para sa mga eksena niya sa Magkakabaung. Ang sabi ng mga nakapanood, parang ang haba-haba ng participation ni Gladys sa pelikula at maganda ang role niya.

Kapampangan ang mga dialogue ni Gladys sa Magkakabaung at hindi siya nahirapan dahil mula sa Pampanga ang magulang niya.

Wish ko lang, mapansin ng mga judge ng New Wave ang performance ni Gladys dahil deserving siya na mag-win ng best actress award. Si Zsa Zsa Padilla ang mahigpit na makakalaban ni Gladys dahil pang-best actress din ang acting niya para sa indie movie na M.

BIANCA DAHIL EUNICE GLADYS MAGKAKABAUNG MIGUEL ONCE UPON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with