^

Iba’t ibang pasasalamat sa pasko!

(Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng taos-pusong pasasalamat ang handog ng ABS-CBN sa viewers at netizens ngayong Kapaskuhan bilang bahagi ng Christmas campaign nila ngayong taon na Thank You ang Babait Ninyo.

Una na riyan ang Kapamilya Thank You Facebook application kung saan makagagawa na ang netizens ng personalized video na maaaring lagyan ng pictures at special messages para sa mga taong nais nilang pasalamatan.

Para makapagpadala ng espesyal na greeting sa mga mahal sa buhay, bisitahin lamang ang official Facebook fan page ng ABS-CBN (Facebook.com/ABSCBNNetwork) at hanapin ang tab na ‘Kapamilya Thank You.’

Samantala, maari rin namang iparating ng Kapamilya viewers ang kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga pamilya at kaibigan sa pamamagitan ng pagregalo ng Kapamilya Thank You shirts at Kapamilya Thank You cards.

Para sa mga nais bumili ng Kapamilya Thank You cards na nagkakahalagang P50, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o sa www.abs-cbnstore.com. Mayroon ding binebentang Christmas cards sa National Bookstore branches sa Quezon Avenue, SM North EDSA, at Trinoma, at selected ABS-CBN Regional stations.

Ang Kapamilya Thank You shirts na mabibili sa kulay na white, red, blue, o green sa halagang P250.

Ang bahagi ng kikitain sa mga mabebentang  Thank You shirt at card ay mapupunta sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc.

ANG KAPAMILYA THANK YOU BABAIT NINYO FACEBOOK KAPAMILYA KAPAMILYA THANK YOU KAPAMILYA THANK YOU FACEBOOK LINGKOD KAPAMILYA FOUNDATION INC NATIONAL BOOKSTORE THANK THANK YOU
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with