Tagumpay ni Ryzza Mae, may malungkot na kapalit!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2014 - 12:00am

Ang layo na talaga ng narating ng 2012 Little Miss Philippines na si Ryzza Mae Dizon na magsasampung taon sa June 12, 2015.      

In less than two years ay marami nang na-achieve ang tinaguriang si Aleng Maliit kasama na rito ang pagkakaroon niya ng sariling bahay at sasakyan at mga kagamitan na noon ay pinapangarap lamang niya.

Bukod sa pagiging mainstay ng long-running noontime show na Eat Bulaga, si Ryzza Mae ay may sariling daily show na rin, ang kanyang The Ryz­za Mae Show from Monday thru Friday.

Ang buhay ni Ryzza Mae ay isinadula na rin sa Magpakailanman ni Mel Tiangco na talagang sinubaybayan ng mga manonood.

Kadalasan, ang kasikatan ay may trade off. Kung kelan successful na si Ryzza Mae ay saka naman nagkahiwalay ang kanyang mga magulang. May iba nang karelasyon ang kanyang ama ganundin naman ang kanyang ina pero patuloy ang buhay kay Ryzza Mae na wala namang control sa buhay ng kanyang mga magulang.

Dahil din sa sobrang busy, pati regular schooling ni Ryzza Mae ay nahinto kaya naghu-home study na lamang siya.

Come December 25 ay mapapanood si Ryzza sa kanyang ikatlong Metro Manila Film Festival (MMFF) movie, ang trilogy na My Big Bossing na tinatampukan nila ng MMFF box office king na si Vic Sotto kasama sina Marian Rivera, Pauleen Luna, Nikki Gil, Niño Muhlach, Zoren Legaspi, Manilyn Reynes, Jose Manalo, Wally Bayola, Ruby Rodriguez, Rafa Siguion-Reyna, Buboy Garovillo at kung saan ipinapakilala ang bagong child sensation na si Alonzo Muhlach. Ito’y magkakahiwalay na pinamamahalaan ng tatlong box office directors na sina Tony Y. Reyes, Marlon Rivera, at Bb. Joyce Bernal.

KC Montero gusto nang ayusin ang pananagalog

Filipina-Australian na may pangalang Stephanie Dods ang bagong kasintahan ngayon ng ex-husband ni Geneva Cruz at ex-boyfriend ni Rhian Ramos na si KC Montero. 

Sa presscon ng Kubot: The Aswang Chronicles 2 kung saan gumaganap na contravida si KC, inamin nito na magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon ng kanyang ex-wife na si Geneva at maging ang kanyang dating kasintahang si Rhian. Ikinuwento rin ni KC na kahit ang kanyang (dating) stepson na si Hea­ven (anak ni Geneva sa una nitong mister na si Paco Arespacochaga) ay nanatiling close pa rin sa kanya hanggang ngayon kahit naka-base na ito sa Amerika at 18 years old na. Heaven calls him dad.

“We’re still in touch and he (Heaven) is still close to my parents in the States,” pahayag ni KC na hirap pa rin magsalita ng Tagalog up to this time kahit sampung taon na siya sa Pilipinas.

Ngayong kinu-consider na niya ang pagiging isang actor (bukod sa kanyang pagiging host), gusto nang i-polish ni KC ang kanyang Tagalog.

Natutuwa si KC sa malaking break na ibinigay sa kanya sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 na co-production ng Reality Entertainment, Agosto Dos, at GMA Films.

 

AGOSTO DOS ALENG MALIIT ALONZO MUHLACH ASWANG CHRONICLES BUBOY GAROVILLO COME DECEMBER KANYANG RYZZA MAE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with