^

PSN Showbiz

Patricia Javier nagsawa na sa America

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

For good na pala ang pagbabalik ni Patricia Javier sa bansa kasama ang asawa at mga anak. Dito na magpapraktis ng kanyang pagdu-doktor ang asawa niya at umaasa naman ang dating sexy star na mababalikan niya ang kan­yang pag-aartista sa tulong ng Viva na kung saan ay pu­mirma siya ng kontrata. Napanood si Pa­tricia sa isang episode ng The Singing Bee at maganda pa rin siya at nasa porma pa. Hindi tulad ng maraming dating beauty queen na parang pinabayaan ang mga sarili nila sa kusina sa sobrang katabaan.

Si Patricia ay maari pang tu­mang­gap ng role na tulad ng mga ginagampanan ni Sunshine Cruz. Sa mga role lamang ng bida med­yo mahirap makipag-agawan, pero ‘yung support roles ay ang dami. Kailangan lamang ma-prove niyang muli na magaling pa rin siyang umarte.

Alden sunud-sunod ang inaaning suwerte

Wala naman akong masabi sa patuloy na pagratsada ng career ni Alden Richards. Akalain mo, ang gagaling at napakasikat ng mga nakakatrabaho niya! Matapos siyang maging ka­pareha ni Marian Rivera sa Carmela ay si Regine Velasquez naman ang naging co-host niya sa Bet ng Bayan. Maganda rin at ka-award-award ‘yung proyekto niyang Ilustra­do na pawang mga beterano at magagaling na artista ang nakasama niya. Ngayon no less than the Superstar Nora Aunor naman ang na­katrabaho niya sa isang indie movie na ru­marampa ngayon sa Hanoi International Film Festival sa Vietnam. Ito ang Kinabuka­san, isang pelikula ni direktor Adolf Alix, Jr. na lumalaban sa short film category.

Proud na proud si Alden na makatrabaho ang Superstar.

 “Enjoy ako na makatrabaho siya. Ang laki nang iti­nulak ng career ko dahil sa kanya. Iba siyang makasama, nagawa niyang ma-boost pa ang self confidence  ko,” anang Kapuso actor na pagkaraan ni Nora ay  hinuhulaan pa kung sino ang susunod na makakatrabaho.

Kim hindi na apektado sa bintang na kay Bea Alonzo sana ang kanyang Best Actress Award

Na-overcome na niya ang initial hurt na natamo niya after winning the Best Drama Actress Award sa katatapos na Star Awards for TV, silang dalawa ni Coco Martin (best actor). Unfortunately, siya lamang ang pinagpistahan at ginawan ng isyu, dahil marahil first niya ang award at sanay na ang tao na makitang manalo si Coco. Balik na ang happiness ni Kim dahil na rin sa sinabi ng ka-loveteam niyang si Xian Lim na i-enjoy na lang niya ang victory niya and don’t let  her bashers affect her.  Nasa kanya na ang trophy niya at kahit anong pamimintas nila, hindi na nila ito mababawi pa sa kanya. Bless you, Xian!

vuukle comment

ADOLF ALIX

ALDEN RICHARDS

BEA ALONZO

BEST ACTRESS AWARD

COCO MARTIN

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with