Vilma nagpaliwanag sa pang-iisnab sa senior prom!
Vilma nagpaliwanag sa pang-iisnab sa senior prom!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2014 - 12:00am

Ngayon pa lamang ay may nag-aalok na sa ma­ganda at masipag na go­bernadora ng Batangas na si Vilma Santos na balikan ang Lipa kapag nata­pos siya ng kanyang termino bilang go­bernador ng buong lalawigan ng Ba­tangas. Malayo pa ang 2016 kaya mas gustong tapusin muna ng gobernadora ang kanyang termino bago pagtuunan ng pansin ang mu­ling pagtakbo.

“Mas gusto kong tapusin ang aking termino nang may magandang record. Gusto kong marinig sa mga Batangueño kapag nakatapos na ako ng a­king ter­mino na I served my pro­vince well.” paliwanag ng Gobernadora.

Sinabi ni Gob. Vi na kung sakali namang hindi na siya tumakbong muli ay babalikan niya ang showbiz.

Sa ngayon, pinaghahandaan ng go­bernado­ra ang Ala Eh! Festival na magaganap sa Dis­yem­bre 1-8, 2014 na ang magsisilbing host ay ang ba­yan ng Taal sa ilalim ng pamumuno ni  Mayor  Michael Montenegro.

Sa­mantala, hindi naman pala inisnab ni Gob.Vil­­­­­ma ang inorganisang Senior Prom Re­­­un­­i­on ni  Manay Marichu Maceda at mga kasamahan pa­ra kay ex-Pre­sident at current Manila Mayor Joseph Erap Estrada. Naging malaking ispekulasyon at pa­hulaan sa lahat ng dumalo ang absence ng aktres na isa sa mga naging pangunahing artista nung panahon ng dating pangulo. Ang arch rival niyang si Nora Aunor ay nakadalo kaya mas lalong pinag-usapan ang sinasabing pang-iisnab niya sa event.

“Si Manay Ichu ‘yun. Siya ang halos ay nagpalaki na sa akin, iisnabin ko ba siya? Natatawa na lamang ako dahil wala rin naman si Pip (Tirso Cruz lll), pero si Bobot (Edgar Mortiz) ay nakadalo. Nagkataon lang na kinailangang tapusin ko ang treatment sa aking ilong nung mismong araw na yun kaya hindi ako nakapunta. Kung hindi, baka nagtagal pa ang aking  discomfort,” paliwanag niya.

Kapamilya ‘pasabog’ ang regalo

Sino ba ang hindi mai-excite sa tatlong Christmas Special na ginawa ng ABS-CBN at mapapanood kapalit ng Be Careful With My Heart. Tampok sa mga kuwento ang tambalan nina Gerald Anderson at Maja Salvador, at sina KC Concepcion at Paulo Avelino. Para mapagtambal mo ang dalawang real life tandem nina Gerald-Maja at Paulo-KC ay talaga namang maituturing na isang ma­gandang re­ga­lo sa mga manonood. Bagong pagsasama ito ng apat na artista na madalas ma­pag-usa­pan lamang, pero tumatangging magkasama sa isang proyekto.

ALA EH BE CAREFUL WITH MY HEART CHRISTMAS SPECIAL EDGAR MORTIZ GERALD ANDERSON MAJA SALVADOR MANAY MARICHU MACEDA SHY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with