Judy Ann pinataob si Ryan sa paghu-host
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2014 - 12:00am

O tingnan mo nga naman, tinalo pa ni Judy Ann Santos ang mister niyang si Ryan Agoncillo sa pagpanalo niya bilang Best Game Show Host sa katatapos lamang na Star Awards for TV. Wala namang dapat ika-insecure rito si Ryan dahil ang dami na niyang awards bilang host. Dapat nga, maging masaya siya dahil siya ang mentor ni Juday. Ang victory nito ay utang nito sa kanyang mister. Take a bow, Ryan!

AiAi pagsisisihan ang balak na pagma-migrate sa Amerika

Magma-migrate raw si AiAi delas Alas sa Amerika? Bakit kaya, eh hindi naman siya nasi-zero sa proyekto? Paano na ‘yung plano niyang pagpasok sa pulitika? Hindi ba kumuha pa siya ng short course bilang paghahanda para rito?

Naku AiAi ha, ‘wag  kang ganyan! Napaka-productive mo pa. May album ka naman at dun ka mag-concentrate sa pag-promote nun habang naghihintay ka ng projects sa movies at TV. Pero huwag na huwag kang aalis. Magsisisi ka kapag ginawa mo ito. Malulungkot ka, at mami-miss mo kami!

AMERIKA BAKIT BEST GAME SHOW HOST DAPAT JUDAY JUDY ANN SANTOS RYAN RYAN AGONCILLO STAR AWARDS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with