Jessica Soho magbebenta ng special tapa at longanisa para makatulong sa mga naligtas sa Yolanda
(Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa linggong ito, saktong sampung taon nang umeere ang Kapuso Mo, Je­ssi­ca Soho. Ang naturang okasyon, nagkataong kasabay rin ng unang anibersaryo nang paghagupit ng bagyong Yolanda. Kaya para maging mas makabuluhan ang selebrasyon, bumuo ang produksyon ng isang KMJS truck na maghahatid ng kasiyahan at inspirasyon sa mga Yolanda survivors.

Magbebenta si Ms. Jessica Soho ng special tapa at longa­nisa recipe ng kanilang pamilya, upang makalikom ng donas­yon para sa mga biktima ng delubyo.  Ang tutulong sa proyektong ito, walang iba kundi ang Kapuso Primetime Queen na si Ma­rian Rivera.

Magbabalik-bayan naman si Tom Rodríguez sa kanilang bayan sa Samar para kumustahin ang kanyang mga kamag-anak at kababayan.  Ngayon lang uli makakauwi rito si Tom pagkatapos manalasa ang bagyo.

Isa rin sa mga malalang binayo ng bagyong Yolanda ang Cebu. Makisakay sa biyahe ng nagbabalik Kapuso na si Iya Villania sa Queen City of the South para itampok ang bumabangon nitong turismo.  Makikihataw rin siya kasama ang Cebu Dancing Inmates!

 Gamit ang KMJS truck, sari-saring sorpresa ang inihanda para sa mga taga-Leyte.  Ang mga basketball superstars sa pangunguna ni Alvin Patrimonio ay may mga handog na regalo para sa mga Waray!

Haharanahin naman ni Christian Bautista ang mga taga-Tacloban sa isang special mini-concert kasama ang mga online sensation na sina Zendee Tenerefe at Aldrich Talonding.

Samahan ang multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho na ipagdiwang ang isang dekada ng  aging trending at most awarded news magazine show sa Pilipinas --- KMJS10 Kapuso Mo, Jessica Soho 10th Anniversary Special ngayong Linggo na 7:30pm sa GMA7.

 

 

ALDRICH TALONDING ALVIN PATRIMONIO ANNIVERSARY SPECIAL CEBU DANCING INMATES JESSICA SOHO KAPUSO MO YOLANDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with