Ex ni James Reid nagsalita na sa totoong nangyari sa kanila!
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakatsika namin kahapon ang ex-girlfriend ni James Reid na si Ericka Villongco. Yup, singer pala ang ex ng hottest hunk to date na si James. Three years din pala ang naging relasyon nina James at Ericka at last March sila nag-split.

Ayon kay Ericka, mutual decision ang paghihiwalay nila kaya walang kahit katiting na bitterness.

Inamin din ni Ericka na alam pala ng ka-love­team ni James na si Nadine Lustre ang break-up nila. In fact, nang malaman nga raw nitong hiwalay na sila, ayon kay Ericka, nag-usap pa sila ni Nadine at tinanong pa siya nito kung ok siya. “Hindi naman po ako bitter,” pagdidiin ni Ericka sa naging hiwalayan nila ni James. Pero sana raw ay maging friends sila.

Sinabi rin ni Ericka na walang third party involve kaya sila nagkanya-kanya.

Nakadalawang album na si Ericka at millions na rin ang nakapanood sa kanilang hit songs ng kapatid niyang si Krissy na kahapon naman ay nag-launch ng kanyang first solo album, ang Songs About You.

Five years din silang magkasama ng kapatid sa album pero nag-usap sila at nagkasundo na magko-concentrate si Krissy sa solo album under MCA Music habang si Ericka ay kontrabida naman sa ipalalabas na Relaks, It’s Just Pag-ibig na bida sina Iñigo Pascual, Sofia Andres, and Julian Ejercito. First major kontrabida role ng ex ni James ang character niya sa nasabing pelikula kaya tiyak na mauurirat siya sa gaganaping presscon nito ngayong araw.

Anyway, isa sa sobrang sumikat na kanta ng album ng magkapatid ang 12:51. Base ang kantang ito sa own experiences ni Krissy. “Now that I’ve grown a little older, I wanted to do something for myself and express my artistry as my own being,” sabi ni Krissy na nakita ng MCA Music kung paano siya nag-grow as an artist kaya siya binigyan ng sariling album.
Ang Songs About You isn’t just a compilation of songs but collection of pages in her diary. “Most of these songs are words I never got to tell the people in my past relationships,” sabi ng singer-songwriter na si Krissy na umaming girlfriend ng model at sumali sa Survivor Philippines na si Marvin Keifer.

At kahit hindi na sila magkasama sa album, ayon kay Krissy lagi namang naka-support ang kanyang kapatid.

Carrier single niya ang We Can’t Be na very light but heartbreaking.

All original album ang Songs About You na mabibili na sa mga record bars and puwedeng i-download sa iTunes.

Anne sobra ang nerbyos nang rumampa sa Hollywood

Very Hollywoodish ang dating ni Anne Curtis sa ginanap na premiere night ng pelikula niyang Blood Ransom sa ArcLight Cinemas in Hollywood.

Pero binabalita ni Anne sa kanyang Instagram account na super nervous siya sa nasabing premiere.

Doon na mismo nag-shopping si Anne nang sinuot niya – Valentino from head to toe.

Sinugod ang nasabing premiere night ng Hollywood press. Dumating sina  Jessica Sanchez and Kobe Paras na kasalukuyang nag-aaral sa America.

Application sa Miss Gay Manila makukuha na

Attention gays and bekis. Puwede nang mag-fill up ng application forms star­ting November 7 para sa gaganaping Miss Gay Manila Pageant on December 15, 7:00 p.m. sa The Tent ng Manila Hotel.

Sa mga interesado, punta lang kayo sa Manila City Hall. 

Walang bayad ang pagkuha ng application form kaya ‘wag magpaloko sa mga nagsasabing kailangang maglabas ng datung para makakuha ng application. Libre ito.                                                                             

ALBUM ANG SONGS ABOUT YOU ANNE CURTIS BLOOD RANSOM ERICKA KRISSY SONGS ABOUT YOU
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with