Jinkee Pacquiao almost a million ang OOTD araw-araw!
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ang daming naiinggit sa mga damit, sapatos, bag, at alahas ni Sarangani Vice Gov. Jinkee Pacquiao sa mga photo na ina-upload niya sa kanyang Instagram account. Katulad ngayong nasa Hong Kong siya, namamasyal lang siya pero yellow Channel ang bag niya, Manolo Blahnik ang sapatos, Hermes ang bracelet niya, at ang dress D&G yata.

Sa bag pa lang, more than P200,000 na ang halaga. Ang sapatos na satin pump Manolo Blahnik P50,000 na. Ang bracelet more than P50,000 at ang dress almost P50,000 din. Wala pa dun ang ibang alahas at pabango at anik-anik pang burluloy niya kasi may shades pa ‘yan, wallet, coin purse, etc. etc.

Minsan naman Her­mes pa ang bag niya. Plus the shoes and dress pa. May mga sinusuot din siyang  Christian Louboutin, Jimmy Choo among others na more than P50k per pair ng sapatos. And bracelets and dress pa.

Grabe. Siguro almost a million ang nasa katawan kada lakad ni Vice Gov. Jinkee.

At tuwing magse-selfie siya for her Ins­tagram account na bonggang outfit of the day (OOTD) niya, Bible verses ang caption. Yup, in fairness pawang pasasalamat at pagbibilang ng blessings ang captions niya.

Wala rin namang puwedeng mag-question na ganun kalaki ang halaga ng bawat OOTD niya dahil pinaghirapan naman ng kanyang mister na boxing champion na si Manny Pacquiao ang mga datung na ginagastos niya sa pamimili ng mga luho niya sa katawan.

‘Yun nga lang. Talagang naglalaway ang follo­wers niya dahil ang mga gamit ni Vice Gov. Jinkee na ordinary lang sa kanya ay hindi nila ma-afford. Kung makakabili man sila ng isang mamahaling bag o sapatos, hulugan naman sa credit card ng isang taon o 24 months. Hahaha. May kilala akong nakaka-relate diyan. (SVA)

CHRISTIAN LOUBOUTIN HONG KONG JIMMY CHOO JINKEE JINKEE PACQUIAO MANNY PACQUIAO MANOLO BLAHNIK NIYA VICE GOV
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with