^

PSN Showbiz

Paborito pala ng anak mahaderang mommy ng sikat na female singer napahiya sa nilait-lait na bokalista ng banda!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon, kapag naaalala ng isang grupo ng mga musikerong may napatunayan na sa kanilang hanay ang ina ng isang sikat na female singer ay napapailing na lang sila, biglang mananariwa uli sa kanilang isip ang minsang pangmamaliit na ginawa sa kanila ng mahaderang mommy ng sikat na female singer.

Magkasama pala sa isang dressing room ang sikat na babaeng singer at ang female vocalist ng isang grupo, natural, production staff ang nagsabi nu’n at nakalagay rin ang pangalan niya sa may pintuan ng dressing room kaya pumasok na siya at ang kanyang PA.

Kuwento ng source, “Biglang dumating ang mommy ni singer, nauna siya kesa sa anak niya, nagtungayaw agad siya! Bakit daw may ibang tao sa dressing room ng anak niya, sino raw ba ang mga taong ‘yun?

“Dabog nang dabog ang mommy ni ____(pa­ngalan ng sikat na female performer), parinig nang parinig, solo lang daw dapat ang anak niya ang dressing room!

“Nasa ganu’ng akto siya nu’ng duma­ting ang anak niya, nakita agad ng sikat na female singer ang vocalist ng isang grupo, tumakbo agad si famous singer.

“Ang sabi niya, ‘Oh, ____(pangalan ng lead vocalist ng banda), my idol! I’ve been longing to see you! How are you na? You’re my idol!’

“Naloka ang mommy ni sikat na singer, idolo pala ng sikat niyang anak ang babaeng tinatalak-talakan niya! Napahiya siya!” kuwento ng aming impormante.

Nag-production number na ang sikat na female performer at ang bokalista ng banda, ang galing-galing naman kasi talagang kumanta at gumitara ng vocalist ng banda, kaya lalong nabuhay ang paghanga ng sikat na singer sa bokalista.

Pagbalik nila sa dressing room, yumakap uli ang sikat na female singer sa bokalista, “You’re really my idol, ang ga­ling-galing mo talaga, ikaw na!” sabi nito.

Sa sobrang pagkaloka at pagkapahiya ng mahaderang mommy ng sikat na singer ay lumapit din ito sa babae at ang kanyang sabi, “Sige na nga, I like you na rin, paborito ka pala ng anak ko!”

Patirahin sa Saigon ang nanay na ‘yan!

Ubos!

Kahit dinudurog-durog Imahe ni Derek hindi nadungisan  ni Mary Christine

Limang iba-ibang kumpanya ang nakipagmiting kailan lang kay Derek Ramsay at sa kanyang manager na si Joji Dingcong.

Limang kilalang produkto rin ang ieendorso ng hunk actor, may TVC na ay may mga billboards pa, kokopohin na naman ng guwapong host ng The Amazing Race Philippines ang kahabaan ng EDSA dahil sa mga naglalakihan niyang billboards.

Ang pagkuha kay Derek bilang endorser ay nangyari sa kasagsagan ng demanda sa kanya ni Mary Christine Jolly, kung anu-anong masasakit na salita at paratang ang ipinukol sa kanya ng babae, pero hindi nakaapekto ‘yun sa mga kumpanyang kumuha kay Derek Ramsay bilang tagapag-endorso nila.

Nakakatuwa ‘yun para sa aktor, ibig lang sabihin nu’n ay hindi nakasira sa kanyang imahe ang mga akusasyon ng ina ng kanyang anak, may kumpanya ba namang magpapakalugi sa pagkuha ng endorser na hindi gusto ng publiko?

Matinding porsiyento ng benta ng mga produkto ang endorser, mala­king imbitasyon sila para bumili ang ating mga kababayan ng ineendorso nilang produkto, kaya ang malinaw ngayon ay epektibo pa ring modelo si Derek sa kabila ng mga mapanirang kuwento ni Mary Christine Jolly.

Araguuuuyyyy!!!!

 

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

ANAK

DEREK

DEREK RAMSAY

FEMALE

MARY CHRISTINE JOLLY

SIKAT

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with