^

PSN Showbiz

John at Isabel sa May 2015 ang kasal

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN:  Ang ‘hakot’ na fans ni Ella Cruz sa celebrity premiere ng Dilim noong Lunes sa Trinoma Cinema. Tumili at nagpalakpakan ang fans ni Ella nang pumasok siya sa loob ng sinehan. Nalimutan nila na mag-react sa mga eksena ni Ella sa Dilim dahil nalibang sila sa panonood.

SCENE: Ipinagmamalaki ni Robin Padilla ang performance sa Dilim ng kanyang anak na si Kylie Padilla. Napansin ng mga nanood ng Dilim ang ma­lakas na chemistry nina Kylie at Rayver Cruz.

SEEN: Bumalik na kahapon si Vice Ganda sa It’s Showtime at malinaw ang sinabi niya na bumalik siya para sa anniversary week ng noontime show ng ABS-CBN. Nagkasakit si Vice kaya matagal siya na hindi napanood sa It’s Showtime.

SCENE: Kasali si Enzo Pineda sa listahan ng mga artista na GGSS o Gandang-Ganda sa Sarili. Walang palya ang paglalagay ni Enzo ng selfie sa social media.

SEEN: Buo na ang plano nina John Prats at Isabel Oli na magpa­kasal sa unang linggo ng May 2015.

SCENE: Ang sobrang atensyon na ibinibigay ng News & Current Affairs ng TV5 sa kaso ng pinatay na transgender na si Jeffrey Laude.

SEEN: Maganda at makinis si Krista Miller sa personal. Hindi nakapagtataka na naging magiliw noon sa kanya si Cesar Montano.

SCENE: Judge kahapon si Cherie Gil sa It’s Showtime at naging emosyonal siya sa anniversary production number nina Jhong Hilario at Vhong Navarro dahil naalaala niya ang kanyang kapatid na si Mark Gil.

CESAR MONTANO

CHERIE GIL

CURRENT AFFAIRS

DILIM

ELLA

ELLA CRUZ

ENZO PINEDA

SHOWTIME

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with